Malaki ang pasasalamat ni Leon Barretto sa kanyang mga magulang na sina Dennis Padilla at Marjorie Barretto.
Ipinagdiriwang ngayong araw, April 2, 2025 ni Leon ang kanyang ika-22 na kaarawan.
Sa Instagram, nag-share si Dennis ng larawan nila ng anak na nilagyan niya ng kanyang greeting.
Sa litrato, may naka-superimpose na text na: "Dear Leon… Happiiii bday anak God bless you more (praying hands emoji)."
Dagdag na caption ni Dennis: "Love you anak... Leon Marcux (praying hands, heart emojis)."
View this post on Instagram
Tumugon naman kaagad si Leon sa pagbati ng ama.
Mensahe ni Leon para kay Dennis, "Thanks papa!"

Ikinatuwa ng netizens na makita ang interaksyon sa pagitan nina Dennis at Leon.
Papuri ng isang netizen, "wow saya naman tignan mgkasama ung mag amang gwapo God Bless po sa inyo sana tuloy tuloy na yan Thank you Lord we are happy po sayo @dennisastig praise God nagka ayos na kau ng mga anak mo po (heart emojis)."

Binati na rin ni Dennis si Leon noong kaarawan niya noong April 2, 2024.
Kaya, mukhang nagkaayos na talaga ang mag-ama.
Read: Dennis Padilla "naluha" sa birthday message ni Julia Barretto
Taong 2022 nang pinukaw ni Leon ang atensiyon ng amang si Dennis dahil sa pagsasapubliko ni Dennis ng tampo sa mga anak.
Waring unti-unting naayos ito base sa mga simpleng pagbati nila sa social media.
Noong February 2024, ang nakakatandang kapatid ni Leon na si Julia Barretto ay may interaksyon na rin kay Dennis.
Ikinatuwa noon ni Dennis ang birthday greeting na natanggap mula kay Julia.
MARJORIE BARRETTO TO SON LEON: "Thank you for making me proud."
Samantala, very proud si Marjorie sa kaisa-isang anak niyang lalaki na si Leon.
Kahit daw mahilig pumarty ang binatang anak, mas lalo raw nitong ginalingan ang pag-aaral.
Buong mensahe niya (published as is): "To the best brother and son… Happy Birthday my dearest Leon! How can we ever live without you? Thank you for making me proud. You party hard but you study even harder (laughing emojis)
"This is it, you finish school in 2 months, you made it this far and your sisters and I believe in you so much we know how far and high you can reach.
"Goes without saying we are always behind you, Kuya. Be the best in every way. We love you like crazy!!!"
View this post on Instagram
Komento ni Leon sa mensahe ng ina, "Love you so much mom."

Read: Leon Barretto Defends Sisters in Dad's Dispute
