PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ruru Madrid to longtime girlfriend Bianca Umali: “Sa’kin ka lang"

Ruru Madrid to Bianca Umali: "Ikaw ang buhay ko."
by Arniel C. Serato
Published Mar 3, 2025
Ruru Madrid pens heartfelt birthday message for longtime girlfriend Bianca Umali
MMFF 2024 best supporting actor Ruru Madrid to longtime girlfriend Bianca Umali on her 25th birthday: "Pangako ko, iingatan ko ang puso mo gaya ng kung paano mo iningatan at minahal ang akin. Sa’kin ka lang, at ako’y sa’yo, hindi lang ngayon kundi sa habang panahon. Anuman ang pagsubok, anuman ang dumating, pipiliin at ipaglalaban kita sa bawat araw, sa bawat pagkakataon."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Isang madamdaming mensahe ang ibinahagi ni Ruru Madrid, 27, sa Instagram para sa ika-25 kaarawan ng kanyang longtime girlfriend na si Bianca Umali.

Ipinagdiwang ni Bianca ang kanyang 25th birthday kahapon, March 2, 2025.

Bianca Umali during her birthday celebration
Photo/s: Courtesy: Instagram

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Ruru na "ultimate crush" niya ang nobya.

Ang Kapuso actress din daw ang nagbibigay-liwanag sa kanyang buhay at ang pangarap niyang makasama habambuhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Ruru: "To my number one cheerleader, my ultimate crush, and my greatest blessing—Happy Birthday, Mahal ko! @bianxa (heart emoji)

"Walang salitang sapat para maipahayag kung gaano ako nagpapasalamat sa’yo…

"Ikaw ang liwanag ng buhay ko, ang inspirasyon ko sa bawat araw, at ang dahilan kung bakit ako patuloy na nagsisikap maging mas mabuting tao.

"Simula nang dumating ka, nag-iba ang mundo ko—mas naging makulay, mas naging makahulugan.

"At habang buhay kong ipagpapasalamat sa Ama na ikaw ang ibinigay Niya sa akin.

"Napakapalad ko dahil ikaw ang kasama ko sa buhay—ang babaeng pinakamamahal ko, iniidolo ko, at pinapangarap kong makasama magpakailanman."

Nangako rin ang Kapuso actor na iingatan niya ang puso ni Bianca, at ito lang ang mamahalin sa mahabang panahon.

Ipaglalaban din daw niya ang kasintahan sa bawat pagsubok na kanilang pagdadaanan.

Saad ni Ruru: "Pangako ko, iingatan ko ang puso mo gaya ng kung paano mo iningatan at minahal ang akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa’kin ka lang, at ako’y sa’yo, hindi lang ngayon kundi sa habang panahon.

"Anuman ang pagsubok, anuman ang dumating, pipiliin at ipaglalaban kita sa bawat araw, sa bawat pagkakataon.

"Magkasama nating tutuparin ang lahat ng pangarap natin, dahil walang imposible basta magkasama tayo.

"Mahal na mahal kita, higit pa sa kaya kong ipakita o iparamdam. Ikaw ang buhay ko. [heart emoji]"

View this post on Instagram

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)

Read: Bianca Umali admits wedding talks with boyfriend Ruru Madrid

RURU MADRID, BIANCA UMALI, AND THE SEVEN-YEAR ITCH THEORY

Nasa tamang edad na sina Ruru at Bianca upang mag-asawa.

In fact, napag-uusapan na raw nila paminsan-minsan ang pagpapakasal ngayong magpipitong-taon na ang relasyon nila sa July 2025.

At hindi rin naniniwala si Ruru sa seven-year itch, ang pamahiing ginagamit upang ilarawan ang panahon, sa ika-pitong taon, kung saan nagkakaroon ng pagbabago sa nararamdaman ng dalawang magkarelasyon.

May paniniwalang marami sa magkakarelasyon ang hindi nakakatawid sa yugtong ito.

Pero hindi naniniwala si Ruru rito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kuwento ng MMFF 2024 best supporting actor sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at showbiz scribe na si Allan Diones nitong nakaraang January 2025, "Ako kasi, personally, hindi ako naniniwala kasi, for me kasi, nakasulat na yan.

"Talagang kung kayo para isa't isa, kayo talaga.

"And for me, basta malinaw sa aming dalawa yung suporta na ibinibigay namin at yung pagmamahal na binibigay namin sa isa't isa, kahit sino pang pumigil, kahit na anumang tukso, pagsubok, kasi talagang dadaan at dadaan po yan.

"Pero naniniwala ako na basta nagtutulungan kaming dalawa na mag-work yung relationship, lahat kakayanin."

Read: Ruru Madrid does not believe in the seven-year itch

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
MMFF 2024 best supporting actor Ruru Madrid to longtime girlfriend Bianca Umali on her 25th birthday: "Pangako ko, iingatan ko ang puso mo gaya ng kung paano mo iningatan at minahal ang akin. Sa’kin ka lang, at ako’y sa’yo, hindi lang ngayon kundi sa habang panahon. Anuman ang pagsubok, anuman ang dumating, pipiliin at ipaglalaban kita sa bawat araw, sa bawat pagkakataon."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results