Ikinasal na si Grace Lee sa kanyang fiancé na si Alex Tiu nitong October 25, 2024, Biyernes sa Seoul, South Korea.
Ang wedding ceremony ay ginanap sa SaRang Church, habang ang reception ay sa Stay-81F Signiel Seoul.
Read: Glimmer founder Grace Lee wants to invest in Filipino talents behind the camera

Read: Why Grace Lee quit TV and radio hosting jobs in 2016
Ang ilang kaganapan sa okasyon ay ibinahagi ng TV5 anchor na si Julius Babao.
Nag-post si Julius sa TikTok ng video na kuha sa wedding.
Nilagyan niya iyon ng caption na, (published as is): “Congrats to the newlyweds Grace Lee and Alex Tiu. Such a wonderful wedding in Seoul, Korea!”
Sa video ay isinasambit ni Grace ang kanyang wedding vows kay Alex.
Read: 12 celebrity foreigners who are proud to be "Filipinos"

Dumalo rin sa okasyon ang iba pang kaibigan ni Grace kagaya nina Tintin Bersola-Babao, Rufa Mae Quinto, Mariel Rodriguez at Happy Ongpauco.
Read: Grace Lee: “I think it is much better to keep your private life private.”
WHO IS GRACE LEE?
Si Grace, 42, ay South Korean-born Filipino film distributor, businesswoman, former television host, and former radio disc jockey.
Sa Seoul siya ipinanganak pero nanirahan sa Pilipinas noong 10 years old siya dahil sa negosyo ng kanyang ama na nag-i-import ng Korean cars.
Nag-aral si Grace sa St. Paul College sa Pasig City mula grade school hanggang high school.
Nagtapos siya ng kolehiyo sa Ateneo de Manila University ng kursong Bachelor of Science in Communication Arts.
Read: Grace Lee is every inch a lady
Bago naging radio and TV personality, naging host din siya ng events para sa Korean-Filipino communities.
Naging official interpreter din siya sa Malacañang.
Bukod sa kanyang native language na Korean, nakapagsasalita rin si Grace ng English at Tagalog.
GRACE LEE-ALEX TIU love story
Noong 2015, nagbalik si Grace sa South Korea at doon nagtrabaho.
Itinatag niya naman noong 2019 ang Glimmer Productions, isang Philippine-based company na naka-focus sa distribusyon ng Korean films.
August 2024 nang isapubliko nina Grace at Alex ang kanilang nakatakdang pagpapakasal.
Ibinahagi rin nila ang kopya ng kanilang official wedding invitation.
Read: In Korea, it's OK to eat noisy. Grace Lee says so

Read: Sharon Cuneta grateful for long-haul travel seatmate who did not recognize her
Sa panayam kay Grace ng ABS-CBN News noong August 25, 2022, sinabi niyang natagpuan na niya ang kanyang “special someone.”
Pagbabahagi niya noon, “At last, yes, and he’s not in showbiz or politics, just a regular guy.”
Dagdag pa niya, “It’s love at the time of the pandemic.”
Nakilala umano niya si Alex sa isang pagtitipon na inorganisa ng kanyang mga kaibigan.
“We were the only singles in our small group. And he’s Filipino, very handsome and tall.
“Pasado rin sa mother ko!”
Si Grace ay huling na-link kay late President Benigno “Noynoy” Aquino III.
Read: Grace Lee dismisses connection between her hiatus and end of PNoy administration
