Bago pa man ang Olympic Games Paris 2024 Opening Ceremony noong July 27, 2024, dalawang atleta mula sa Argentina ang maagang nagbunyi.
Hindi dahil nanalo sila sa laro—kundi nag-celebrate ang kanilang mga puso.
Last July 26, habang tahimik pa ang kapaligiran sa Olympic Village, nag-propose si Pablo Simonet, isang player ng men's national handball team kay Maria Pilar Campoy, na member naman ng Argentina women's hockey team.

Sina Pablo at Maria ay magkasintahan na simula pa noong 2015.
Marami na rin silang naging karanasan sa paglahok sa Olympics.
Nagsimula iyon sa 2016 Rio De Janerio Olympics.
Makalipas ang walong taon, naisip ni Pablo na napaka-ideal ng Paris—ang tinaguriang City of Love—para gawin niya ang sunod na hakbang sa relasyon nila ni Maria—ang alukin na ito ng kasal.
Read: VIRAL: Pinay bride’s grand elevator wedding entrance in Abu Dhabi
Pablo Simonet's PROPOSAL to Maria Campoy
Isinagawa ni Pablo ang pagpo-propose kay Maria matapos makunan ng group photo ang kani-kanilang teams.
Lumuhod siya sa harapan ng kasintahan at ipinakita rito ang singsing.

Tulad nang inaasahan, gayun na lang ang pagkabigla ni Maria.
Tinanggap niya ang singsing bilang tanda ng pagsang-ayon sa alok ni Pablo na kasal.
Nagsigawan naman sa tuwa ang kani-kanilang teammates.
Read: Woman not going to sister's wedding; groom is her cheating ex-BF
DOUBLE CELEBRATION FOR PABLO SIMONET AND MARIA CAMPOY
Perfect timing ang ginawang proposal ni Pablo kay Maria dahil nakapasok lang ang kani-kanilang team para sa Paris Olympics matapos ang Santiago 2023 Pan American Games.
Magkahiwalay ng venue ang kanilang sport events.
Sa Viña del Mar ginanap ang laro ng team ni Pablo na malayo ng 165 kilometers sa Ñuñoa, na pinaglaruan naman ng team ni Maria.
Nang makabalik si Maria sa kanilang locker room matapos ang mahigpitang laban at panalo sa final game kontra sa United States, agad niyang tiningnan ang kanyang smartphone.
May message mula kay Pablo na nanalo rin ang team nito ng gold medal at nakamit ang Olympic quota.
Read: Couple who died in car accident wedded via ‘ghost marriage’
Ani Maria sa panayam sa kanya ng Olympics.com, “Pablo left me a message when he entered the locker room. I didn't know anything and it was doubly exciting.
“I knew that he had a very tough game, just like us, and finding out that they were also champions was spectacular.”
Read: Woman finds out she's invited to wedding to babysit guests’ kids
MARIA CAMPOY to retire after PARIS OLYMPICS
Ang Paris 2024 posibleng huling Olympics ni Maria.
Hindi siya nakasama sa team na nag-participate sa 2020 Tokyo Olympics, kung saan nasungkit ng Argentina ang silver medal.
Pansamantala siyang nanirahan sa Spain, at aniya ay maganda ang takbo ng kanyang buhay roon.
Hindi naman siya tumanggi nang tawagin siya ng team para maging bahagi ng sasabak sa Paris.
Lagi aniyang bukas ang kanyang pintuan para maglaro sa kanilang national team, lalo na sa Olympics.
“I talked it over with Pablo and I told him, 'I want to end my career in the best way possible.’”
Read: Bride breaks ankle after giving groom piggyback ride
NETIZENS ON marriage PROPOSAL
Ang marriage proposal ni Pablo kay Maria ay ibinahagi ng official X (formerly Twitter) account ng Olympic Games.
Ang caption: "The first marriage proposal at the #Paris2024 Olympic Village! Pablo Simonet and Pilar Campoy had a very special moment surrounded by their handball and hockey teammates from Argentina. Congratulations, you two! All the best!"
Pilar ang second name ni Maria.

Ang naka-upload na video ng special moment ng couple ay nakakuha na ng 108K views, 145 reposts, 17 quotes, 663 likes at 27 bookmarks.
Ibinahagi rin iyon ni Pablo sa kanyang Instagram account, at nilagyan ng caption na: “The love of my life said yes in the dream place.”
Bumuhos naman ang pagbati sa magkasintahan ng kinikilig na netizens—at marami ang nag-wish na sana ay mag-champion din ang kani-kanilang team para doble-doble ang magiging selebrasyon pagbalik ng Argentinian couple.
Read: Newlyweds "disrespected" by priest gets 'bonggang' wedding
