Muling binalikan at inalala ng TV host-actress na si Maine Mendoza ang papapakasal niya sa aktor at Quezon City congressman na si Arjo Atayde, sa pagdiriwang ng kanilang first wedding anniversary nitong Linggo, July 28, 2024.
Sa Instagram, magkasunod na ibinahagi ni Maine ang ilang kuhang larawan nila ni Arjo, maging ang video highlights sa naganap nilang pag-iisang dibdib.

Read: Maine Mendoza's wedding gift to Arjo Atayde sparks humorous reactions among netizens

Sa video, makikita ang naging preparasyon ng dalawa bago ang kanilang kasal, paglakad ni Maine papuntang altar, pagbasa nila sa kanilang wedding vows, at iba pang pangyayari sa reception.
Read: WEDDING ALBUM: Maine Mendoza and Arjo Atayde
Mababasang caption dito ni Maine (published as is), "been a year [heart emoji]."
Highlight ng video ang wedding vows ng dalawa para sa isa't isa.
Sa wedding vow ni Arjo, binalikan niya ang kanyang naramdamdaman nang makita sa kauna-unahang pagkakataon si Maine.
Aniya: "Hi, Maine. I remember exactly how I saw you for the first time.
"It was like a scene in a movie, but it was so real to me.
"Someone I always had a crush on, I wanted to meet, work with all odds were against us, apparently, until the right time came.
"Without forcing it, I know it was you.
"Thank you for choosing me. Thank you for being my bestest friend. Thank you for making us feel normal. Thank you for taking care of me. Thank you for you."
Sa wedding vow naman ni Maine, sinabi niyang "answered prayer" ang pagkakakilala niya kay Arjo.
Sabi ni Maine, base sa video na ini-upload niya: "I want to start my vow by saying, you are my answered prayer.
"I really prayed for you. Sabi ko, sana i-bless ako ni Lord ng taong magmamahal sa akin nang tunay at buo.
"I just know that deep down, one day, God will lead to me to someone who will give me the amount of love so much more than I am capable to give.
"And He did. He led me to you, Arjo cutie."
Noong July 28, 2013, nag-tweet si Maine ng "Arjo cutie," indikasyon ng paghanga niya sa aktor.
Read: Maine Mendoza tweets about AlDub, Arjo Atayde, stardom are prophetic, fans say
Bukod sa video highlight, ipinost din ni Maine ang mga kuhang litrato nila ni Arjo sa mismong araw ng kanilang kasal.
Simpleng caption niya rito, "happy anniversary."
Read: Arjo Atayde surprises wife Maine Mendoza as she celebrate her birthday on Eat Bulaga!
FROM "ARJO CUTIE" TO MRS. ATAYDE
July 28, 2023, ikinasal sina Maine at Arjo sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel, Baguio City, Benguet, matapos ang mahigit limang taon nilang pagiging magkasintahan.
Una silang nagkakilala nang nagkatrabaho sila sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 entry na Jack Em Popoy: The Puliscredibles.
Dito rin nagsimulang mapansin ng kanilang fans ang special closeness nila sa isa't isa.
August 2018 nang namataan si Arjo na present sa isang brand event na iniendorso ni Maine.
Hanggang sa noong October 2018, lumabas ang PEP Scoop kung saan naispatang magka-date ang dalawa sa Nono's restaurant sa Makati City.
Read: Kapuso star Maine Mendoza, Kapamilya actor Arjo Atayde spotted at Makati resto
December 21, 2018 nang maging opisyal silang magkasintahan.
July 29, 2022, inanunsiyo ni Maine sa Instagram na engaged na sila ng nobyong si Arjo.
