Nagpakasal ang Central Texas couple na sina Kelby Noack at Giselle Vento bandang hapon noong April 8, 2024, habang unti-unting sumasapit ang Great American Solar Eclipse.
Isang medical sales representative si Kelby, 35, at isang teacher naman si Giselle, 33.
Naging engaged sila tatlong buwan bago ang kanilang kasal.
Read: Wife, who wants to prioritize career, finds second partner for husband

Read: Conjoined twins react to comments and questions about secret wedding
Para sa couple, nag-align ang mga bituin para sa kanilang pagpapakasal.
Ibinahagi ni Giselle sa kanyang Facebook account ang mga naganap sa wedding under total solar eclipse.
Sa panayam ng Fox News Digital sa couple last April 9, sinabi ni Giselle na paborito niya ang author na si Paolo Coello.
Aniya, tuwing binabasa niya ang pariralang “I love you because the entire universe conspired to help me find you,” nagre-resonate iyon sa kanya.
Read: Wife's post about husband who ghosted her goes viral; gets so much information in 14 hours
COSMIC IDEA
Pero hindi lang ang mga bituin sa kalangitan ang nag-align para kina Kelby at Giselle kundi maging ang buwan at araw.
Kuwento ni Giselle, nung nagpaplano na silang magpakasal ni Kelby at namimili ng petsa, biglang nagkaroon siya ng “cosmic idea.”
Naalala niya noong nasa kindergarten class siya at kumakanta sila ng kanyang mga kaklase ng tungkol sa eclipse.
Naisip ni Giselle na masyadong “cool” kung magpapakasal sila ni Kelby kapag may solar eclipse, kaya April 8 ang pinili nilang date.
Sinimulan nilang magplano ng intimate backyard wedding kung saan ang nature magsisilbing backdrop para sa seremonya.
Read: Mom resorts to desperate measures to stop son's wedding
NAKAKANERBIYOS ANG WEATHER FORECAST
Kuwento ng mag-asawa, umaga ng araw ng kanilang wedding ay pareho silang ninerbiyos.
Makulimlim kasi ang panahon at ayon sa balita ay may tsansang 74 percent ng pag-ulan at pagkakaroon din ng thunderstorms—na ikinadismaya nilang dalawa at maging ng iba pang nag-aabang sa solar eclipse.
Nagkataon pang sa Waco, Texas ay inulat na magkakaroon ng 100 percent total darkness, at ang lugar ang itinuring na eclipse viewing hot spot kung maganda ang panahon.
Marami raw ang nagsabi sa kanya na batay sa weather forecasts ay uulanin ang kanyang kasal.
Pero nagdesisyon sila ni Kelby na maging kalmado at hinayaan na lang kung ano ang mangyayari.
Si Kelby aniya ang nagsabi sa kanya na pabayaan na lang na ang pagkakataon ang magdesisyon kung ano ang darating—at pasalamatan nila kung anuman iyon.
Read: Man dead for 50 minutes, under coma for 5 weeks; gets second chance at life
MAGICAL WEDDING
Sa mismong araw ng kanilang kasal at ng total solar eclipse ay madilim ang kalangitan mula umaga hanggang hapon.
Sambit ni Kelby, habang hinihintay nilang magsimula ang kasal, makapal ang maitim na ulap.
Paminsan-minsan ay nasisilayan nila ang eclipse, may pagkakataon ding hindi.
Nang simulan na ang wedding ceremony, naglakad si Giselle sa aisle sa saliw ng “Here Comes The Sun” ng The Beatles.
Pagsapit ng 1:38 p.m. CST (central standard time), ang mismong oras ng total eclipse, biglang nagpakita ang pagtatapat ng araw at ng buwan at kitang-kita ang corona.
Read: Couple chooses disco bathroom of gas station as wedding venue

Read: Guy with no sex experience has 25 kids
Bulalas ni Kelby, “It was perfect. I can't believe that the clouds opened up the way that they did.”
Nakapagpalitan ng vows sina Kelby at Giselle eksakto kung kailan napakaganda ng view ng solar eclipse.
At sa loob ng apat na minuto at 12 segundo ng total solar eclipse, nagdilim ang kalangitan, tumigil sa paghuni ang mga ibon at lumamig ang hangin.
“It was something that was beyond understanding. Just magical. We all got to experience the wedding and then the magical corona,” ani Giselle.
Read: Wedding gets messy ending; groom abandons bride after reception

Read: Bride and groom set themselves on fire during their wedding
Dagdag pa niya, ang pambihirang pagkakataon ang siyang pinangarap niya para sa kanyang kasal.
Sa loob ng 40 araw simula nang planuhin nila ito, ipinagkaloob aniya ng universe sa kanilang dalawa ni Kelby ang kanilang kahilingan para sa kanilang very special day.
“It was powerful. It was awesome,” paglalarawan naman ni Kelby sa kanilang kasal.
Read: VIRAL: Man discovers 2 sons are not his after 51 years of marriage
