Ibinahagi ni Jackie Lou Blanco sa kanyang Instagram account kung paano siya nag-celebrate ng kanyang birthday.
Sumapit na ang actress at aerobics instructor sa kanyang ika-60 na kaarawan last February 11, 2024.
Sa reels na nai-post ni Jackie Lou noong February 15, makikita na nasorpresa siya nang pagpasok niya sa bahay ay may nakahanda nang selebrasyon para sa kanya.
Read: Presenting Jackie Lou Blanco at 14 years old

Read: Rikki Mae Davao shares coming out story on TV for the first time
Ani Jackie Lou sa kanyang caption sa video, “My children kept asking me what I wanted to do for my 60th birthday.
“Sabi ko, let’s have a simple dinner.
“A week before, I asked kung saan ang dinner. Ang sagot lang sa akin, ‘Basta just be there, Mama.’”
Kuwento pa ni Jackie Lou, dun pa lang ay nakatunog na siya.
“Sabi ko, may plano itong mga ito. And of course, they did! It was such a beautiful surprise.”
Read: 9 celebrity parents who embrace and support their LGBTQ+ children
Pinasalamatan niya ang mga anak na sina Rikki Mae, Ara at Kenneth para sa sorpresa sa kanya na ayon sa actress ay priceless gift. Anak niya ang mga ito sa ex-husband na si Ricky Davao.
Mensahe ni Jackie Lou sa tatlo, “You really went out of your way to prepare for Mama. May mga games pa.
“My favorite was seeing my family perform scenes from my movies and TV series.
“I will forever treasure this. I’ve never been one who celebrated in a big way, pero masarap pala na nasosorpresa nang ganito.”
Read: Love life ni Ricky Davao suportado ng kanyang mga anak

Read: Jackie Lou Blanco, suportado ni Sharon Cuneta ang pagbabalik sa pagkanta
Bukod sa kanyang pamilya ay pinasalamatan din ni Jackie Lou ang kanyang best friend na si Mariz Ricketts, iba pang kaibigan at maging ang mga nagprepara ng food and cakes para sa kanyang special milestone.
Kasama rin sa mga bisita sina Ramon Christopher at mga anak kabilang si Janine Gutierrez.
“I couldn’t have asked for more. Thank you, Lord, for blessing me with the gift of family and friends. My heart is full.”
Read: Ricky Davao, Jackie Lou Blanco open secret ang estado ng relasyon

Read: Jackie Lou Blanco recounts the moment daughter Rikki Mae told her, "Mama, I’m gay."
Samantala, sa ulat ng GMA News Online last March 6, sinabi ni Jackie Lou na grateful and thrilled siya na naging bahagi ng Abot Kamay Na Pangarap bilang guest actor.
Sa seryeng tampok din sina Jillian Ward at Ken Chan ay gumaganap si Jackie Lou bilang Madame Lotus, ang lider ng bilangguan.
“Never played a character like her, so I loved it. May comic lightness mixed with delivering the lines with one tone which worked when she had to be feared more.”
Sinabi niyang matagal na siyang fan ng serye, at umasam na maging bahagi nito.
“So, when the call came, sabi ko, ‘Thank you, Lord.’”
Read: Jackie Lou Blanco sexy and strong lola at 55
