Paano magdiwang ng kasal ang mga pinakamayayamang tao sa mundo?
Siyempre, kasama sa guest list ang mga pinakasikat na international performers at mga prominenteng personalidad.
Siyempre, bongga ang mga activities at details, at libu-libong tao ang imbitado.
Ganito ang eksena sa pre-wedding celebration nina Anant Ambani at Radhika Merchant, parehong galing sa mayayamang pamilya sa India.
And take note, nangyari ito for three days sa Jamnagar, isang siyudad sa state ng Gujarat, nitong weekend ng Marso.
Ang mismong wedding ay sa July pa.
Si Anant, 28, ang youngest son ni Mukesh Ambani, ang richest man sa India at managing director ng Reliance Industry.
Si Mukesh ay may net worth na $117 billion, ayon sa Forbes. Siya ang richest man in Asia at 10th place sa World’s Richest list.
Read: Wedding gets messy ending; groom abandons bride after reception
Ang bride-to-be naman na si Radhika, 29, ay anak ng bilyonaryong si Shri Viren Merchant, chief executive officer ng Encore Healthcare, isang private firm.
Nitong Biyernes, March 2, nag-perform si Rihanna, na binayaran ng $7.8 million o PHP425 million for a 90-minute performance o isa't kalahating oras, ayon sa ulat.
Read: "Crazy Rich" wedding includes Hermès souvenirs, international pop stars as guests

Rihanna was reportedly paid $7.8 million (PHP425 million) for a one-and-a-half hours performance.
Ang attendees ay 1,200, kasama rito ang high-profile guests na sina Facebook CEO Mark Zuckerberg, former Microsoft managing director Bill Gates, former U.S. President Hillary Clinton, at Ivanka Trump, anak ni former U.S. President Donald Trump, ulat ng Daily Mail UK.
Ang gastos sa three-day pre-wedding celebration ay umabot umano ng $120 million o PHP6.7 billion, ayon sa report.
Read: Bride and groom set themselves on fire during their wedding
DETAILS OF THE PRE-WEDDING CELEBRATION
Sa ulat naman ng local media sa India, ang mga bisita ay dumating sa Jamnagar sa pamamagitan ng chartered flights and ferries.
Ang mga guests ay inabutan ng nine-page guide for the dress code sa tatlong araw na selebrasyon.
Kasama sa itinerary ang pagbisita sa animal sanctuary, 650-acre property ng groom na tahanan para sa higit 2,000 animals.
Inabisuhan din ang mga bisita na hanggang three suitcases lang ang puwede nilang bitbitin dahil meron naman laundry services at meron ding para sa make-up at hair.

Mark Zuckerberg and wife Priscilla Chan at the pre-wedding event

Bill Gates and girlfriend Paula Hurd
Hindi naman ito ang unang beses na gumastos nang malaki ang Ambani family sa wedding ng isang family member.
Ikinasal ang sister ng groom noong 2018 at tinatayang nasa $100 million ang gastos. Invited performer noon si Beyonce na napaulat na binayaran ng $6 million.
Ikinasal naman ang kapatid ng groom na si Akash Ambani noong 2019 at invited noon si Chris Martin ng Coldplay.
Inaasahan pang mas malaki pa ang gagastusin ng couple na sina Anant at Radhika sa darating na kasal nila sa Hulyo.
