PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pokwang, Lee O’Brian Share Birthday Wishes for Malia

Lee O'Brian: "Six years ago today was the best moment of my life."
by Arniel C. Serato
Published Jan 18, 2024
Pokwang, Lee O'Brian post birthday message for daughter Malia
Pokwang to daughter Malia O'Brian on her 6th birthday: "Anak paglaki mo, saan kaman magtungo, saan kaman dalhin ng pangarap mo, isang lingon mo lang, nandon ako lagi nak, nakaalalay sa yo."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Muling ipinadama ni Pokwang ang labis na pagmamahal niya sa kanyang bunsong anak na si Malia O’Brian.

Ngayong araw, January 18, 2024, ang ika-anim na kaarawan ng anak nila ng estranged partner na si Lee O’Brian.

Read: Pokwang and American boyfriend Lee O'Brian welcome Baby Malia

Sa Instagram, ibinahagi ni Pokwang ang ilang throwback photos noong ipinagbuntis pa lamang niya si Malia hanggang sa maisilang niya ito.

Sabi ng comedienne sa caption, “Happy, happy birthday my little Tisay [heart emoji] mahal na mahal kita…. walang hindi kayang gawin si mama para sa inyo ni ate.”

Ang tinutukoy na “ate” ni Pokwang ay ang panganay niyang anak na si Mae Subong.

Dagdag pa niya, “lahat ng dapat suungin susuungin ko, lahat ng dapat iluha at dapat iinda sasaluhin ko maging maayos at komportable lang ang dadaanan mo sa buhay patungo sa mga pangarap nyo

“naway lumaki kang matatag na tao, mabuting tao at higit sa lahat may takot sa Dios

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“nandito lang si mama go go go anak paglaki mo saan kaman magtungo saan kaman dalhin ng pangarap mo, isang lingon mo lang nandon ako lagi nak nakaalalay sayo

#HappyBirthdayMalia I Love you”

Sa kanyang Instagram, may mensahe rin si Lee sa anak.

Aniya, “Happy birthday, sweet Malia my love @malia_obrian !! Wishing you the very best in life and so many more blessings and happiness. I love you so much!

“Six years ago today was the best moment of my life and I have been so proud of you every moment since then. Enjoy your day to the fullest because you deserve the absolute best!! Love you, sweetheart!! And Nana, Grandpa and Tita love you too!! #MyBlessing #DaddysGirl

View this post on Instagram

A post shared by Lee O'Brian (@leeobrian)

Samantala, hindi malinaw kung nasa Pilipinas pa rin ngayon si Lee.

Ito ay matapos ipag-utos ng Bureau of Immigration (BI) ang deportation ng former partner ni Pokwang dahil sa isinampa nitong reklamo sa ahensiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Pokwang files deportation complaint, visa cancellation vs ex-partner Lee O’Brian

Bukod pa rito, kabilang din si Lee sa nasa blacklist ng government agency dahil sa violation ng kanyang work visa, cancellation ng kanyang pre-arranged employment visa, at ang pag-isyu ng Warrant of Deportation laban sa kanya.

Read: Pokwang wins deportation case vs. Lee O’Brian: “Justice served”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang to daughter Malia O'Brian on her 6th birthday: "Anak paglaki mo, saan kaman magtungo, saan kaman dalhin ng pangarap mo, isang lingon mo lang, nandon ako lagi nak, nakaalalay sa yo."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results