PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Millionaire Newlyweds Jeal & Jho Serato

Among their wedding gifts include big cash, a new car, and a house
by Bernie V. Franco
Published Sep 22, 2023
wedding gifts
Newlyweds Jeal and Jovelyn Serato get the surprise of their lives when they learned about the gift of the groom's parents: a whopping PHP7 million.
PHOTO/S: Nice Print

Yung ikinasal ka tapos naging milyonaryo ka bigla.

Ito ang patung-patong na biyayang nangyari kay Jeal Serato, 28, nang ikasal sa kanyang wife na si Jovelyn “Jho” Serato, 29.

Pitong milyong piso lang naman kasi ang iniregalo sa kanya ng mga magulang, bukod pa rito ang isang kotse at isang bahay.

Ikinasal ang dalawa noong September 8, 2023.

Tumanggi na si Jeal na sabihin kung saan ang kanilang location.

Si Jeal ay isang entrepreneur at digital creator, habang teacher naman ang kanyang misis.

Nag-viral sa social media ang kuhang video at photos ng newlyweds sa kanilang reception.

Makikita ritong binuksan ng mag-asawa ang gift mula sa mga magulang.

Inabutan ng ina ng groom ang bagong kasal ng paper bag na may lamang kahon.

Sa loob ng kahon ay may papel kung saan nakasulat ang generous gift.

Nakalista rito ang amount ng perang mula sa mga magulang ni Jeal.

PHP2,122,814.71 – mula sa ina

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PHP2,209,935.29 – mula sa ina at ama na inipon nila sa loob ng five years

PHP2,000,000 – kinita mula sa pinaikot na PHP600K mula sa bride na si Jho

PHP667,250 – ang pera o kapital ni Jho na pinaikot ng mga magulang ni Jeal

Ang suma total ng halagang ito ay PHP7 million.

Read: NAIA screening officer denies she swallowed $300; says it was chocolate

list

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod pa rito ang bagong kotseng galing sa ama ni Jeal at ang lumang bahay ng mga magulang ni Jeal na ipapangalan na sa mag-asawa.

“Pag naalala [ko], nakakaiyak. Grabe talaga tiwala at pagmamahal [ng mga magulang ko],” mensahe ni Jeal sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Read: Broken-hearted 17-year-old Fil-Am jumps to his death from 21st floor of five-star hotel in New York

car key

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

REGALoNG HINDI INASAHAN

Inusisa namin kay Jeal kung inasahan ba niya ang regalong ito mula sa mga magulang.

Nabanggit ng groom na dumaan din sa pagsubok ang relasyon nila ni Jho bago sila nagpakasal.

Noong simula raw ay hindi tanggap ang kanilang relasyon.

“Pinaglaban namin hanggang dulo at siyempre po [para] meron kami mapakita na kaya namin,” kuwento ni Jeal sa PEP.ph.

Naghintay raw sila ng tatlong taon bago magpakasal dahil pinag-ipunan nila itong mag-asawa at ayaw nilang humingi sa mga magulang.

Sa ganitong paraan daw ay mapatutunayan nilang kaya nilang bumuo ng pamilya na di umaasa sa iba.

“Ayaw namin humingi para walang masabi, at masarap din sa part namin na kami nagpakasal sa sarili namin.

“Panalangin lang namin lagi sa Diyos na simpleng kasal lang, simpleng okasyon lang, mabasbasan lang kami dalawa, masaya na kami dun.”

Hindi raw inasahan ni Jeal ang regalong natanggap mula sa mga magulang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya, “Alam ko lang may ipon sila para sa amin, pero hindi ko expect na ganun kalaki, grabe. Kasi ang dami ng binigay. Nahihiya na ako.”

wedding surprise

Walang pagsidlan ng tuwa ang mag-asawang Jeal at Jovelyn nang makita nila ang listahan ng PHP7 milyong natanggap mula sa ina ng groom (far left, with back to the camera)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

new car

PARENTs' LOVE

Sa karanasan daw niyang ito, ang napatunayan niya ay ang walang kapantay na pagmamahal ng mga magulang.

“Baliktarin man ang mundo, magulang natin sila. Baliktarin man ang mundo anak nila tayo.

“Maging mabuting anak tayo sa ating mga magulang. Manatiling mapagmahal at maunawain, Wag mag tatanim ng sama ng loob,” ani Jeal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagdating naman sa mga pagsubok, ani Jeal, “Wag mo isipin bakit eto binigay ng Diyos, bagkus magsumikap ka, maging masinop, maging matiyaga."

Iginiit din niya ang kahalagahan ng pag-iingat sa pera.

“Libo, milyon, o bilyon pa iyang matatanggap mo kung hindi ka masinop at madiskarte sa buhay, masasayang lang din ang pera…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi ang pera mabilis lang talaga maubos kahit ilan pa iyan.”

Sa isang recent video content, ipinahayag ni Jeal ang pasasalamat sa kanyang mga magulang.

Sabi niya, “Salamat talaga, Mama, Papa ko.

“Maraming akong failure. Hindi ako perfect na anak, pero ang pagmamahal at tiwala niyo, sobra-sobra po.

“Salamat po talaga. Sisikapin ko at pipilitin ko pa lalo hindi mapunta lang sa wala.

“Mas lalo ako magiging masinop at madiskarte sa buhay.

“Mahal na mahal ko kayo mama ko, papa ko, ano man ang mangyari.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Newlyweds Jeal and Jovelyn Serato get the surprise of their lives when they learned about the gift of the groom's parents: a whopping PHP7 million.
PHOTO/S: Nice Print
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results