Nagmistulang isang tunay na airport ang reception venue ng kasal ng newlyweds na sina Melvin Jon Sandoval at Divine Kho.
Ginanap ang kasal nila nitong September 10, 2023, sa AQUILA Crystal Palace Tagaytay, isang events place na pag-aari ni Tei Endencia, na siya ring stylist ng venue.

Read:
Groom binugbog ng pamilya ng bride nang matuklasang panot pala
Bride stood up by groom on wedding day ends up marrying father-in-law
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ikinuwento ni Tei ang naging inspirasyon sa likod ng kasal nina Melvin at Divine.
Paglalahad niya, “Yung couple po ay may business na PasaBuy ng mga balikbayan goods, kaya naisip ko po na gawing airport po ang reception ng wedding.
“May check-in, may immigration. After nila sa church ay ganyan po pagpasok nila sa loob ng venue.”

Nagmukhang totoong check-in counter ng isang airport ang lobby ng AQUILA Crystal Palace, kung saan may mga naka-unipormeng mga modelo na kunwari ay mga immigration officers at airport staff.

“Nag-hire kami ng mga model na kunwari airport representatives and even sa immigration, mga kunwari immigration officers,” pagbabahagi pa rin ni Tei.

Si Tei raw mismo ang nakaisip ng naturang concept.
Agad naman itong sinang-ayunan nina Melvin, na tubong Sablayan, Occidental Mindoro, at Divine na taga-Arayat, Pampanga.
Ang mag-asawa ay parehong nurses sa Abu Dhabi.
Read:
"May pag-asa pa!” No-boyfriend-since-birth bride, ikinasal at age 70
"Di na ako magiging June bride!" Bride-to-be’s fiancé dies weeks before wedding

Dagdag na kuwento pa ni Tei, nabuo niya ang concept ng reception in less than a week.
Aniya, “Ito po is biglaan lang. Six days bago sila ikasal, nag-meeting kami. Then nag-isip ako ng connected sa naging past raket ng couple during pandemic.
“Iyon nga po naging business po nila yung PasaBuy sa ibang bansa. Kaya sabi ko, perfect ang airport theme na complete na may baggage area, check-in area, and immigration area.
“Dahil madami ng gumawa ng travel theme, but airport theme, sila ang kauna-unahan sa Pilipinas.”
Si Tei ay miyembro rin ng mga artists ng Artist Circle Talent Management Services na pinamumunuan ni Rams David.
Read:
VIRAL: Bride hindi sinipot ng groom sa kasal; inulan ng biyaya
