Hindi napigilan ni Ice Seguerra maging emosyonal nang mabasa ang Father's Day message sa kanya ng anak ng partner na si Liza Diño—si Amara, 15.
Sa Instagram ni Ice nitong Linggo, June 18, 2023, ibinahagi niya ang makabagbag-damdaming mensaheng isinulat ni Amara para sa kanya.
Kalakip ng post ni Ice ang pasasalamat dahil sa pagkilala ni Amara sa kanya bilang ama.
Saad ni Ice sa caption, "My heaaaart (smiling face with heart-eyes emojis).
"Thank you for making this day more special. I love you, Amara!"
AMARA'S FATHER'S DAY MESSAGE
Bata pa lang si Amara ay si Ice na ang kinagisnan nitong ama.
Kung kaya't ganoon na lang ang pagmamahal at pasasalamat niya sa singer dahil sa pagiging mabuti nitong asawa sa kanyang Mama Liza at pagiging pursigidong tatay sa kanya.
Ayon pa kay Amara, si Ice ang nagturo sa kanya ng maraming bagay, partikular na pagdating sa paghahanap ng taong mamahalin.
Mababasang mensahe ni Amara, (published as is) "happy father's day to my papa:)
"i hate to think that some people think you're just my step dad. you have raised me and molded me into the great girl i am today.
"thank you for always raising my standards in men (and relationships in general and teaching me to never settle."
Kahit maraming tutol sa pagmamahalan ng kanyang mga magulang, para kay Amara, ang pagmamahalan ng mga ito ay sapat na para maging inspirasyon.
Read: Liza Diño recalls "sobrang bad words" thrown at her and Ice Seguerra
"Watching you and mama love each other despite every challenge in life is so inspiring."
Nagpasalamat din si Amara sa pagiging matatag at matapang ng singer-songwriter para sa kanilang pamilya.
Bilang anak, very proud daw siyang tawaging "daughter" ni Ice.
"Thank you for being the one for my mom. despite her everything, despite mine, you are our peace maker.
"I love u and ur to hours naps everyday dad. thank you for being with me thru everything.
"I'm so proud to be your daughter."
Ikinasal sina Ice at Liza sa Stones & Flowers Barn and Wedding Retreat sa Sunny Patch Lane, California, noong December 8, 2014.
Read: Aiza Seguerra and Liza Diño declare undying love for each other
Noong January 8, 2015, isinagawa naman ang kanilang second wedding sa pamamagitan ng isang "symbolic ceremony" na ginanap sa Batangas.
Read: Ice Seguerra pens heartfelt anniversary message to wife Liza Diño
