Lagpas dalawang buwan matapos silang ikasal, masasabi raw ng entrepreneur na si Jeremy Jauncey na ang pagpapakasal nila ng asawang si Pia Wurtzbach-Jauncey ang pinakamagandang desisyong ginawa nila sa buhay.
Sa Instagram kahapon, May 28, 2023 nagbahagi si Jeremy ng tatlong larawang kuha sa kanilang kasal ni Pia sa exclusive North Island sa Seychelles noong March 24, 2023.
Read: Pia Wurtzbach and Jeremy Jauncey already married
Ayon kay Jeremy sa kanyang post, malaki raw ang pasasalamat nila sa lahat ng mga suportang natanggap para sa kanilang pag-iisang dibdib mula sa mga kaibigan, kapamilya, at kahit mga taong hindi pa nila nakilala nang personal.
Sinadya raw talaga nilang kaunti lamang silang nandun sa isla noong kasal nila dahil nais nilang makaiwas sa stress.
Buong post ni Jeremy: “Love, support and happiness is all we’ve received since we shared our wedding news- so thank you to all the friends, family and people we haven’t met yet that have been so kind [praying hands emoji]
“We did things differently, just for us, away from stress so we could relax and be present for the moment. Two months into married life and we’re sure it was the best decision we ever made [grinning face with smiling eyes emoji]”
View this post on Instagram
Noong May 5, 2023 lamang inanunsiyo ni Pia, sa pamamagitan ng social media, na ikinasal na sila ni Jeremy.
Sabi pa niya sa kanyang post sa Instagram, "Mr & Mrs Jauncey
24.03.2023."
View this post on Instagram
Kalaunan, lumabas ding tatlo lamang ang imbitado sa kanilang kasalan.
Read: Pia Wurtzbach-Jeremy Jauncey wedding guest list: only three attendees
