PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ara Mina receives birthday surprise from husband Dave Almarinez

Ara Mina: "Ito siguro ito yung way of showing his love for me. So, nagulat ako.”
by Arniel C. Serato
Published May 28, 2023
Ara Mina gets birthday surprise from husband Dave Almarinez
Ara Mina on husband Dave Almarinez's birthday surprise for her: “We thought we have a dinner with his friends na mga ambassadors, kaya naka-formal ako. So, sabi niya, ‘Mag-formal dress ka,’ ganyan-ganyan, ‘Kasi formal dinner yung a-attend-an natin.’ So, yun. Magaling siya, e, kasi medyo init-initan pa ulo niyan sa bahay, e, bago umalis."
PHOTO/S: Courtesy: Nice Print Photography

Noong May 9, 2023 pa ang ika-44 kaarawan ng actress-entrepreneur na si Ara Mina pero hindi siya nagdaos ng party.

Kaya naman ang asawa niyang si Dave Almarinez ang nag-ayos ng birthday surprise para sa kanya.

Isa-isang tinawagan ni Dave ang mga malalapit na kaibigan ni Ara at pinagbilinang huwag ipagbigay-alam sa asawa ang kanyang inihandang sorpresa.

Dave Almarinez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa naimbitahan para sa okasyon noong May 25, Huwebes, sa Manila House Private Members Club, Bonifacio Global City, Taguig City.

Pagdating ni Ara sa Manila House Private Members Club ay naiyak na lamang ito dahil nagtipun-tipon ang kanyang mga kamag-anak at kaibigan.

Ara Mina arrival at Manila House

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tagumpay si Dave sa kanyang inihandang birthday surprise.

Ara Mina, Dave Almarinez, Mandy Meneses

Kuwento ni Ara, “Ano, wala, surprise pa din kasi ang galing-galing ng asawa ko mag-surprise. Kasi pinag-usapan na namin to, e.

“Gusto daw niya maghanda, sabi ko, ‘Huwag na.’ And nag-agree na siya sa akin, sabi niya, ‘Sige.’ ‘Sa next birthday ko na lang.’

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Siguro, na-realize niya kasi last year, hindi rin ako nag-party.

“Hindi rin naman ako mahiling sa asawa ko. So, ito siguro yung way of showing his love for me. So, nagulat ako.”

Ara Mina and Dave Almarinez speeches

Wala rin daw sa hinuha niya na ang pupuntahan nilang dinner meeting ay party pala para sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento pa ni Ara, “We thought we have a dinner with his friends na mga ambassadors, kaya naka-formal ako.

“So, sabi niya, ‘Mag-formal dress ka,’ ganyan-ganyan, ‘Kasi formal dinner yung a-attend-an natin.’

“So, yun. Magaling siya, e, kasi medyo init-initan pa ulo niyan sa bahay, e, bago umalis.

“Sabi ko, ‘Okay, wala sa mood, fine.’ So, di ba, iisipin ko pa ba?”

Ilan sa mga dumating sa party ni Ara ay sina Dingdong Dantes, Sunshine Cruz, Barbie Imperial, Say Alonzo, Melissa Ricks, Ronnie Ricketts, Mariz Ricketts, Jan Marini, Gerard Pizarras, Jose Sarasola, Ryza Cenon, at marami pang iba.

Present din siyempre ang anak ni Ara na si Amanda Gabrielle Meneses sa party.

Dagdag pa ni Ara tungkol sa preparasyon ni Dave, “Super effort siya. Tinanong ko si Ryza, ‘Sinong nag-invite sa yo?’ ‘Si Kuya Dave, minissage ako sa IG.’

“Kasi alam niya, mga ka-chika ko yun, e. Yung iba sa IG niya minessage.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano naman kaya ang wish niya para sa kanyang kaarawan?

Sagot ni Ara, “Wish ko, of course, good health for me, siyempre for my husband, for my family, my parents and for my friend. Kasi, nowadays, nakakalungkot pag may nawawala, di ba?

“So yun lang, yung blessing na wala masyadong challenges, slight lang.”

Ara Mina's friends at her birthday

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“DREAM SHOW”

Sa Hunyo ay mapapanood na sa NET 25 ang bagong lifestyle show ni Ara na Magandang ARAw.

Matagal nang pangarap ni Ara na magkaroon ng sariling TV show at ngayon nga ay natupad na ito.

Aniya, “Dito ako busy kasi dream show ko talaga to and I’m very happy na mapapanood na soon ang Magandang ARAw.”

Mensahe pa niya sa lahat ng bumati sa kanya lalo na sa asawang si Dave, “Thank you sa lahat ng sumuporta sa akin, sa lahat ng nagmamahal sa akin, sa lahat ng kaibigan ko, family ko, anak ko, and sa asawa ko.

“Thank you for this wonderful surprise for me kasi lahat ng mga nandito, mini-message ko na yan na, ‘Sige, get-together tayo soon ha,’ nagmi-message sila sa akin.

"Siya na gumawa ng paaan para magkita-kita kami lahat. Thank you, thank you, and I love you and babawi ako sa yo.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ara Mina on husband Dave Almarinez's birthday surprise for her: “We thought we have a dinner with his friends na mga ambassadors, kaya naka-formal ako. So, sabi niya, ‘Mag-formal dress ka,’ ganyan-ganyan, ‘Kasi formal dinner yung a-attend-an natin.’ So, yun. Magaling siya, e, kasi medyo init-initan pa ulo niyan sa bahay, e, bago umalis."
PHOTO/S: Courtesy: Nice Print Photography
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results