Kitang-kita ang saya sa mga mukha nina Diego Castro at Isko Moreno sa pagiging "happy lolo" nila.
Sa Facebook kahapon, May 1, 2023, nagbahagi si Diego ng ilang larawang kuha sa binyag at unang birthday celebration ng apo na si Scott Domagoso noong April 30, Linggo.
Ginanap ang binyag ni Scott sa St. Michael The Archangel Parish sa Taguig City, at ang birthday at baptismal reception naman ay sa The Atrium ng Enderun, sa Taguig City pa din.
Read: Joaquin Domagoso, Raffa Castro celebrate son Scott's baptism and first birthday
Sabi ni Diego sa caption, “Happy Birthday my little apo! Ang pogi ng mga lolo ah, hehe. #grandparents”
Si Scott ay anak nina Raffa Castro at Joaquin Domagoso.

Si Isko ang ama ni Joaquin, samantalang si Diego ang tatay ni Raffa.
Isinilang si Scott sa isang ospital sa Quezon City noong April 29, 2022. Pero inilihim muna nina Joaquin at Raffa ang pagkakaroon nila ng anak.
Nalaman ng publiko ang katotohanan nang aminin at kumpirmahin ni former Manila City Mayor Isko na lolo na siya sa isang interbyu noong July 2022.
Read: Isko Moreno admits to being a lolo to son Joaquin Domagoso's child: “Ang pogi ng apo ko.”
Noong August 2022, inamin ni Diego na hindi pa sila nagkikita o nagkakausap ni Isko.
Sabi niya sa vlog ni Ogie Diaz, “Not yet, kasi we were supposed to meet siguro a long time ago, nagka-campaign siya tapos ako sa news, di ba?
“So, medyo yung schedule namin magkasalungat. Pero with Joaquin, siya nakakausap ko."
Naging abala si Isko na tumakbong Pangulo noong May 2022 elections.
Si Diego kay kasalukuyang anchor sa One PH ng TV5.
Read: Diego Castro admits he has yet to meet "balae" Isko Moreno
Noong February 2023, inamin din ni Isko na hindi pa sila nagkikita o nagkakausap ni Diego kahit matagal nang magkarelasyon ang kani-kanilang mga anak.
Read: Isko Moreno admits not reaching out to “balae” Diego Castro; refers to Joaquin, Raffa as “mag-asawa”
Marahil, ang binyagan at birthday celebration ni Scott ang unang pagkakataong nagkita at nagkausap ang dalawang "lolo pogi."
