Binigyang-pugay ni Dingdong Dantes ang asawa nitong si Marian Rivera sa Araw ng Paggawa o Labor Day ngayong Lune, May 1, 2023.
Sa Instagram, nagbahagi si Dingdong ng apat na candid pictures ng asawa sa kanilang bahay.
Ayon sa actor-TV host, kahit holiday kahapon ay sige pa rin ang asawa sa kanyang mga ginagawa sa kanilang bahay.
Personal din daw itong nagbalot ng goodie bags para sa party ng kumpanya nila kinagabihan.
Saad ni Dingdong: “Good morning to this incredible woman who runs our household.
"Despite it being a holiday today, I woke up a little later than usual and saw her downstairs, busy with something.
"As I made my way to the living room, I saw her packing goodie bags for our company party tonight!”
Hinikayat din ni Dingdong na bigyang-pugay ng mga tao ang lahat ng homemakers na walang kapagurang nagtataguyod ng kani-kanilang mga tahanan.
Pati na ang lahat ng mga manggagawa na patuloy na lumalaban sa buhay araw-araw.
Dagdag pa niya, “Let's give a shoutout to all the amazing homemakers out there who work tirelessly to make their homes a comfortable and loving place.
“And happy Labor Day to all the hardworking individuals, regardless of what kind of work you do—who strive to make a difference every day!”
View this post on Instagram
Ikinasal sina Dingdong at Marian noong December 30, 2014. Meron na silang dalawang anak, sina Zia at Ziggy Dantes.
