"Beauty, fantastic, at elegance!"
Ganito mailalarawan ang mga nagniningning na Kapamilya stars na dumalo sa #StarMagicalProm sa The Bellevue Manila, sa Alabang, Muntinlupa, ngayong Huwebes ng gabi, March 30, 2023.
Suot ang kani-kanilang designer gowns at suits, kitang-kita kung paano nila pinaghandaan ang nasabing pagtitipon ng Star Magic artists.
Bukod sa mga baguhang artista ng ABS-CBN na ngayon lamang ipakikilala, kaabang-abang din ang Kapamilya love teams na magkasamang dumalo sa #StarMagicalProm.
Narito ang spotted Kapamilya love teams sa #StarMagicalProm:
Francine Diaz and Seth Fedelin
Ang tambalan nina Francine Diaz at Seth Fedelin, o mas kilala sa tawag ng kanilang fans na FranSeth, ang unang pares na ipinakilala sa kategorya na "the hottest loveteam of today."
Tinanong ng red-carpet host na si DJ Ai kung paano pinaghandaan nina Francine at Seth ang kanilang unang prom sa Star Magic.
Pagbabahagi ni Francine, "Actually ang preparation ko talaga, honestly, I slept a lot, I ate a lot."
Read: Seth Fedelin on promposal to Francine Diaz: "Ito ang halaga mo, hanggang langit."
Saad naman ni Seth, "Ang ginawa ko talaga pahinga lang. Nagpahinga, natulog...dasal, at pasasalamat."

Donny Pangilinan and Belle Mariano
Hindi kaila na isa rin sa inaabangan sa #StarMagicaProm ay ang tambalang Donny Pangilinan at Belle Mariano o DonBelle.
Ayon kay Belle, masaya at excited siyang dumalo sa prom lalo na't kasama niya si Donny.
Sabi ni Belle, "Honestly, no one asked me out to prom ever. So, he's [Donny] the first one to took me to prom.
"Kaya I'm so grateful and happy that I get experience with him first."
Read: Belle Mariano reveals Donny Pangilinan did have promposal, but, "amin na lang iyon."
Nang tanungin si Donny kung paano niya niyaya si Belle ang naging sagot niya: "Binigay na namin yon sa iba. Basta yung promposal namin parang mas personal."

Aljon Mendoza and Jayda Avanzado
Bago makasama ni Aljon Mendoza ang on-screen partner niya ngayong si Jayda Avanzado ay dumaan muna siya sa tila butas ng karayom.
Nangyari ang promposal ng binata kay Jayda sa ABS-CBN noontime show na It's Showtime nang mag-guest sila dito.
Bago alukin ni Aljon si Jayda kung puwede ba niya itong mai-date, tinawagan muna niya ang ina ng singer-actress na si Jessa Zaragoza upang humingi ng basbas sa gagawin niyang promposal.
Saad ni Jayda, "I have no idea.
"Kasi sinabi niya [Aljon] sa akin na magda-dubbing siya for Teen Clash sa second floor sa Star Cinema office
"So, I really didn't think much of it...I really had no clue. Sobrang na-shock ako."

Kobie Brown and Andi Abaya
Modern Bridgerton look ang in-achieve ng Kapamilya on-screen partner na sina Kobie Brown at Andi Abaya.
Ayon sa dalawa, peg nilang ipakita ang "class, simple, but elegant" look suot ang kani-kanilang outfit.

Kaori Oinuma and Jeremiah Lisbo
Black and white ang theme ng suot ng aktor na si Jeremiah Lisbo, habang sparkling pink gown naman ang suot ng ka-date niyang si Kaori Oinuma.
Mistulang "couple goals" sina Jeremiah at Kaori nang ibahagi nila sa interview na parehas nilang hindi maa-achieve ang kanilang fairytail looks kundi dahil sa kanilang glam team.
Read: Kaori Oinuma says "yes" to Jeremiah Lisbo's promposal

Vivoree Esclito and Brent Manalo
Isa rin sa pinag-usapan sa social media ang naging promposal ni Brent Manalo kay Vivoree Esclito.
Nangyari ito nang sorpresahin ni Brent si Vivoree sa mall show ng aktres sa Quezon City noong March 18, 2023.
Ayon kay Vivoree, naghinala na siya noong una na may mangyayaring promposal noong araw na iyon.
Aniya, "Well, may mga clues na actually na ibinibigay yung mga kasama ko.
"Pero I didn't assume or expect na mangyayari siya. Kasi hindi naman talaga ako nag-e-expect.
"Na-surprise talaga ako and geniune talaga yung reaction ko don."

READ MORE:
- Andrea Brillantes recalls story behind her BLACKPINK promposal to Ricci Rivero
- Andrea Brillantes on Ricci Rivero saying 'yes' to her promposal at BLACKPINK concert: "Para akong nanalo sa lotto."
- #StarMagicalProm2023: Child stars of ‘Ningning’ and ‘Honesto’ all grown up
- From Beach Bro to Prom Date: Raven Rigor, Sean Tristan attending Star Magic Prom together
