Isang madamdaming mensahe ang ibinahagi ng aktor na si Ruru Madrid, 25, para sa ika-23 kaarawan ng girlfriend niyang si Bianca Umali.
Ngayong Huwebes, March 2, 2023, ang kaarawan ni Bianca.
Sa Instagram, inihayag ni Ruru kung gaano kahalaga si Bianca sa kanyang buhay, kalakip ang sweet pictures nila na magkasama.
Ani Ruru, araw-araw niyang ipinagpapasalamat sa Diyos na hanggang ngayon ay magkasama sila ng aktres.
Mababasa sa kanyang caption (published as is), “Araw-araw ipagpapasalamat ko sa Panginoon na ikaw ang binigay niya sa akin.
“Araw-araw pipiliin kong mabuhay dahil ikaw ang makakasama ko.
“Araw-araw di ako magsasawang sabihin sayo kung gaano ako kapalad na ikaw ay sa akin, at ako ay sa iyo.”
Read: Ruru Madrid on Bianca Umali: "Sana siya na talaga yung babae na nakatakda para sa akin."
Pangako rin ni Ruru kay Bianca na palagi niyang ipaparamdam dito kung gaano niya ito kamahal.
Sabi ng Kapuso actor, “Araw-araw ipaparamdam ko sayo kung gaano ka kahalaga sa akin.
“Araw-araw kita ipagmamalaki sa lahat ng tao dahil sa husay at galing mo.
“Araw-araw ita-trato kita bilang Reyna ng buhay ko.
“Araw-araw sasabihin ko sayo na Mahal kita.”
Dagdag pa niya, “Maligayang kaarawan, Mahal ko [heart emoji].”
Agad din naman itong nireplayan ni Bianca.
Aniya, “Mahal na mahal kita, mahal ko [heart emoji].
Read: Bianca Umali on becoming an Iglesia Ni Cristo member: “It is a personal choice.”
Marami ang kinilig para sa Kapuso couple.
Sa comments section ng post ni Ruru, bumuhos ang pagbati ng kapwa-artista nina Ruru at Bianca.
“Happy Birthday, Bianca,” komento nina Sanya Lopez, Paul Salas, Shaira Diaz, Rochelle Pangilinan, Allan K, EA Guzman, at Kokoy De Santos.

Halata namang kilig na kilig si Lovely Abella sa sweetness nina Ruru at Bianca.
Saad niya sa comment, “Aysusss!!! Happy Birthday Ga!!!! Congratulations sa lahat.”
Sabi naman ni Rocco Nacino, “Happy birthday Bianca!!! Stay happy and in love guy!!”

RURU MADRID AND BIANCA UMALI'S RELATIONSHIP
Noong August 21, 2021, sa Kapuso Mo Jessica Soho, unang inamin ni Ruru na “dating” ang relationship status nila ni Bianca.
Ito ay makaraan ang mahabang panahong pag-iwas nila na sagutin kung sila na ba.
Diretsahang tinanong ng host na si Jessica Soho si Ruru kung ano nga ba ang totoong relasyon nila ni Bianca.
Read: Bianca Umali reveals Ruru Madrid cried when she surprised him in South Korea
Napatawang pag-iwas muna ni Ruru, "Mahirap lagyan ng label." Iyon ang madalas niyang sagot tuwing tinatanong tungkol dito.
Sundot na tanong ni Jessica, “Wala kayong label?”
Dito na umamin ang Kapuso actor.
Saad ni Ruru, "Dahil kayo po ang nagtanong, Ma'am Jess, this is the first time na sasagutin ko po ito.
"Ah... we're dating po for four years."
Read: Ruru Madrid finally admits real score with Bianca Umali: "We're dating for four years."
secret romance for the past four years
Bago ang pag-amin ni Ruru, hindi maikakaila na may espesyal na relasyon ang dalawa.
Noong August 2018 pa nang simulang mapansin ng fans nila ang pagiging malapit nila sa isa't isa.
Read: Ruru Madrid and Bianca Umali kilig moments: A timeline
Hindi iyon itinanggi ni Bianca nang tanungin tungkol dito.
Ang pag-amin daw ni Ruru ay naging daan para mas gumaan ang kanyang pakiramdam dahil alam niyang wala na siyang kailangang itago.
Sabi ni Bianca sa panayam niya sa The Boobay and Tekla Show noong November 2022:
"Ngayon na mas naging open na kami, ang sarap sa puso kasi merong mga tao na sumusuporta sa amin, merong mga taong nagmamahal sa amin, hindi lang mga indibidwal, pero bilang kami sa Ruru and Bianca na magkasama.
"So, ang sarap, kasi ang dami naming nagiging mga kaibigan.
"Ang dami rin naming nakitang mga tao na, 'Ay, pamilya pala natin sila,' kasi ganito nila tayo mahalin bilang tayong dalawa."
Read: Bianca Umali, nagpasalamat kay Ruru Madrid sa pagiging proud sa relasyon nila
Sa ngayon ay parehong abala si Ruru at Bianca sa upcoming drama series nilang The Write One.
