Ngayong araw, December 9, 2022, ang ika-siyam na anibersayo ng kasal nina Melai Cantiveros at Jason Francisco.
Read: Melai Cantiveros and Jason Francisco tie the knot
Sa Instagram, isang kuwela ngunit sweet na mensahe ang ibinahagi ni Melai para sa kanyang asawang si Jason.
Kalakip nito ang ilang kuhang litrato nila habang nakahiga at nagyayakapan.
Mensahe ni Melai (published as is), "9yrs of Loving and Hating.
"9 yrs of Accepting and Blocking each other.
"9 yrs of Recieving and Giving.
"9 yrs of Keeping the Faith and Losing the Faith to each Other.
"9 yrs of Trusting and Doubting each other. Is equals to Matured and Best Version of ourselves for each other."
Maaaring ang sinasabing "losing the faith and doubting to each other" ni Melai ay ang napagtagumpayan nilang pagsubok bilang mag-asawa.
Noong July 2016, matatandaang pumutok ang hiwalayang Melai at Jason.
Selos umano ang dahilan ng kanilang panandaliang paghihiwalay.
Ngunit hindi rin ito nagtagal at nagkabalikan din sila pagkatapos lamang ng dalawang buwan.
Read: Melason no more?: Jason Francisco writes open letter about split with Melai Cantiveros
Ayon pa sa Magandang Buhay host, mahal niya ang kanyang asawa kahit pa minsan ay hindi sila magkaintindihan.
Hiling din niya ang ilang taon pa nilang masayang pagsasama kasama ang kanilang dalawang anak na sina Mela, 8, at Stela, 5.
Saad ni Melai, "Happy 9 years Wedding Anniv[ersary] PapaNuggets.
"Kahit minsan di mo [a]ko MaGets love na love pa rin kita wanggets.
"Love [yo]u with our Nuggets, Ate Nuggets and Baby Nuggets."
"May Godbless more our Journey [pray emoji]," dagdag pa niya.
Samantala, sa comments section ng post ni Melai ay bumuhos ang pagbati ng kanilang mga fans, kaibigan, at co-stars.
Komento ni Loisa Andalio, "Happy anniversary MelaSon!!!!![heart emoji]"
Sabi naman ni Bianca Gonzalez, "Happiest Anniversary #MelasonForever."
"Happy Anniversary," bati nina Jolina Magdangal, Nikki Valdez, Vina Morales, at Regine Angeles.