Labis na ipinagmamalaki ni Judy Ann Santos ang tatlong napanalunang medalya ng panganay na anak niyang si Yohan Agoncillo.
Sa Instagram ngayong Linggo, September 11, ibinahagi ni Judy Ann ang larawan nilang mag-ina habang nasa isang swimming event.
Hindi mawari ang kaligayahang naramdaman ni Judy Ann dahil tatlo ang napanalunang medalya ng anak.
Bilib daw siya sa anak dahil maayos nitong nabalanse ang oras sa pag-aaral, training, at pag-apply nito para sa kolehiyo.
Buong caption niya, “So proud of you my love!! 1st in fly, 3rd in back, 2nd in 100 free .. all while juggling school work, training and college application.. you did so well baby girl!! @ryan_agoncillo”
View this post on Instagram
Hindi naman nakasama sa event ang ama ni Yohan na si Ryan Agoncillo.
Pero sa comments section, mababatid din ang kanyang pagmamalaki sa anak.
Komento niya sa post ng asawa, “You are awesome Ate Yo”

Bago pa ang event, nag-post pa si Judy Ann ng selfie nilang mag-ina.
Caption niya, "Quick hug and selfie before the competition starts [hearts emojis] im with you all the way baby girl [kissing emoj]”

Noong 2017, sumali na si Yohan sa Palarong NCR swimming event, at marami-rami na rin ang nahakot niyang parangal sa loob ng matagal na panahon.
Read: Yohan Agoncillo competes in Palarong NCR's swimming event
