Gumagastos ng malaki ang mga kababaihan—at maging ang mga kalalakihan—sa South Korea para sa filler injections upang magkaroon ng “perfect 90-degree shoulders.”
Ang medical procedure na ito ay pinasikat ng K-pop idols, partikular ni Jennie ng Blackpink.
Nang ilunsad ni Jennie ang kanyang awiting “Like Jennie,” marami ang nakapansin sa ganda ng contour ng kanyang balikat.

Ayon sa ulat ng South Korean media, sumailalim si Jennie sa cosmetic procedure na Barbie Botox o Trap Botox.
Sa pamamagitan nito, nare-relax ang trapezius muscles at nagmumukhang mahaba at mas payat ang shoulder and neck lines.
Read: VIRAL: Photo of orphan lying in mother's chalk outline
CONTENT CREATOR TRIES SHOULDER FILLERS
Nag-viral sa South Korea ang shoulder fillers matapos magpakonsulta ang Korean content creator na si Yunny sa isang beauty clinic sa Seoul.
Gusto niya rin daw magkaroon ng “Jennie shoulders.”

Sa isa niyang TikTok video, ibinahagi ni Yunny ang resulta matapos magpa-inject ng fillers sa kanyang shoulders.
Agad daw umangat.
Napasigaw pa siya sa sobrang tuwa.
Read: 20-year-old man builds "country" with 400 citizens
SHOULDER FILLERS PROCEDURE EXISTS EVEN BEFORE “JENNIE SHOULDERS”
Hindi naman bago ang procedure.
Maraming clinic sa South Korea ang nagsasagawa na nito sa mga nakalipas na taon.
Itinuturing din itong beauty standard sa naturang Asian country.
Ayon sa blog na Girin, ang shoulder fillers ay minimally invasive treatment na gumagamit ng hyaluronic acid para maitama ang sloped or asymmetric shoulders.

Target ng procedure ang dalawang main areas: ang outer shoulder tops, na siyang nilalagyan ng fillers para mas pronounced, at ang shoulder slope zone para mas defined at hindi pababa.
Popular ito sa mga beachgoers na gustong mag-two-piece swimsuit during summer season, at sa mga brides.
Read: Man chooses country to travel to by throwing dart at world map
NO NEED FOR SHOULDER FILLERS, JUST EXERCISE
Hindi lahat ay hot na hot sa “Jennie shoulders.”
Nabatikos pa nga si Yunny ng maraming fans matapos niyang shoulders.
Hindi umano siya dapat gumamit ng easy route para makamit ang toned physique.
Paalala kay Yunny ng isang fan, “You will get Jennie’s shoulders for free if you only just exercise.”
Ang pangamba naman ng isa, “At this rate, people are going to end up getting fillers all over their bodies.”
Wala pang medical bulletin sa ngayon na nagsasaad na may significant health risks ang pagpapalagay ng shoulder fillers.
Read: Google to pay PHP715K to man captured naked by Street View camera
