Ipinakita ng 37-year-old Chinese woman ang kanyang mukha sa social media noong June 2025.
Sobrang maga at namumula ito.
Ayon sa ulat ng South China Morning Post last June 24, 2025, kilala ang babae sa Chinese online community bilang si Niuyoumian, isang residente ng Jilin province.

Mayroon siyang mahigit 30,000 social media followers.
At ang kanyang claim: Mahigit dalawang dekada na umano siyang hindi nagtatanggal ng make-up.
Read: Man calls out roommate who keeps "accidentally" eating his food
WOMAN’S SKIN ISSUE IS KNOWN AS HORMONE FACE
Pero ang kanyang skin condition ay isang kaso raw ng “hormone face,” na sanhi ng severe allergic reaction.
Ayon sa Healthline.com, ang hormone face ay "acne or other skin conditions on the face that are influenced by hormonal fluctuations, particularly in women."
Noong siya ay 14-anyos, gumagamit na siya ng acne cream dahil marami siyang pimples.
Ito raw ay nag-trigger ng allergic reactions.
Noong siya ay 15-anyos, nagsimula siyang gumamit ng make-up.
Nagkaroon kasi siya ng fascination sa lipstick ng kanyang ina.
Pero kung anong sipag niyang mag-make-up, siya namang tamad niya na magtanggal nito.

Katuwiran ni Niuyoumian noon: “Why bother removing the make-up if you’re going to put it back on the next day?”
Kaya natutulog siyang may make-up, at maglalagay ulit kinabukasan.
Sa loob ng 22 years, ni minsan ay hindi raw siya nagtanggal ng make-up.
At noong dumami ang kanyang pimples, sinabihan siya ng kanyang pamilya na gumamit na lang ng mumurahing liquid foundation para matakpan ang mga ito.
Hindi kasi sila nakaririwasa sa buhay.
Ani Niuyoumian, dahil doon, lalong lumala ang kanyang skin problem.
Read: Man discovers ex-GF files marriage license without his consent
WOMAN UNDERGOES COSMETIC PROCEDURES
Nag-aral si Niuyoumian ng beauty and hairdressing, thinking na makakahanap siya ng solusyon sa hindi mawala-walang skin problems niya.
Pero mas na-expose ang kanyang mukha sa iba’t ibang chemical substances.
Natatakpan niya ang kanyang pimples, pero lalong lumala ang kanyang skin problems.
Noong 2011, nagsimula siyang sumailalim sa cosmetic procedures.
Kung anu-ano ang ipina-inject niya sa mukha—na nagresulta para madisporma iyon.

Saad ni Niuyoumian sa isang video na ini-upload sa Weibo: “Before I turned 25, I didn’t realize how serious hormone skin issues could be.
“I thought a little redness or itchiness could be resolved with some ointment.
“But after 25, everything changed.”
Read: Dad forbids daughter from live streaming: 'She’s too pretty.'
WOMAN RESORTS TO USING POPULAR PRODUCTS TO SOLVE HER FACIAL SKIN PROBLEMS
Sinubukan na raw ni Niuyoumian ang lahat ng possible methods para malunasan ang problema sa mukha.
Ang problema aniya, sadya siyang pasaway at walang tiyaga sa paghihintay nang matagal.
“I can only accept positive outcomes, not negative ones. Over the years, I never fully committed to healing my skin.
“I’d test a product for two days, then switch to another because someone else claimed it worked for them.
“That cycle only aggravated my skin—itchy, inflamed, and dotted with countless tiny bumps.”
Nagkaroon siya ng acne rosacea o pangmatagalang pamumula ng mukha.
Dinapuan din ang kanyang balat sa mukha ng parasites na tinatawag na demodex mites—na nagdudulot ng sobrang pangangati.
“At its worst, the rash feels like thousands of tiny ants crawling on my face.”
Napakatindi aniya ng pangangati at hindi niya halos makayanan.
Nagkaroon siya ng inferiority complex, at lagi na lang siya sa loob ng bahay.
“My whole face is wrinkled and hideous. I don’t dare to step outside, meet people, or make friends.”
Read: Dad pours PHP44M of hard-earned money into daughter’s business
WOMAN'S BEAUTY ADVICE
Dahil sa nangyari sa kanya, nagbigay ng paalala si Niuyoumian sa mga nanonood ng kanyang videos.
Aniya, huwag maiinip sa paghihintay sa resulta kung sumasailalim sa gamutan para hindi lalong lumala ang sitwasyon.
Dagdag pa niya: “Don’t blindly try every beauty product just because someone else claims it works—especially so-called quick fixes.”
Batay aniya sa kanyang karanasan: “If something provides instant results, it’s probably just suppressing the symptoms, not genuinely healing your skin.
“Allow your body to detox naturally, no matter how daunting the process may seem.”
Read: Drunkards’ association protests against rising alcohol prices
NETIZENS' TAKE ON WOMAN’S PREDICAMENT
Umani ng maraming reaksiyon ang predikamento ni Niuyoumian.
Pero karamihan ay binanggit ang kanyang katamaran sa pagtatanggal ng make-up.
May isang nagkomento tungkol sa motivation ni Niuyoumian para hindi magtanggal ng make-up sa loob ng 22 taon.
Katamaran daw ba o masyado lang talaga siyang obsessed sa pagpapaganda?
At kung nagsimula siyang maglagay ng make-up noong 15-anyos siya, wala bang nagpayo sa kanya na dapat niyang tanggalin iyon?
Isang netizen dumanas din ng hormone face ang nag-advise kay Niuyoumian na simple lang ang solusyon sa problema niya: sanayin ang sariling maghilamos gamit lang ang warm water.
Mas epektibo umano ito kaysa gumamit ng kung anu-anong produkto lalo na kung sensitibo ang balat sa mukha.
Importante ring i-acknowledge niya ang puno't dulo ng lahat: tamad siya magtanggal ng make-up.
Read: Woman dies of caffeine overdose after ambulance arrives 7 hours late
