PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Beauty influencer turns to green chilies as DIY lip plumper

Umani ng batikos ang beauty tip niya.
by KC Cordero
Published Dec 11, 2024
Shubhangi Anand while applying chili on her lips
Inokray ng netizens ang isang beauty influencer na sili ang ginagamit para magmukhang plumper ang kanyang mga labi. (Photos: @shubhangi_anand__ on IG)

Na-shock ang netizens sa ini-upload na video ni Shubhangi Anand sa Instagram last December 5, 2024.

Si Shubhangi ay residente ng Delhi, India at isang beauty influencer.

Read: Bride hit by softball 5 days before wedding

Photo of Shubhangi Anand
Ang beauty influencer na si Shubhangi Anand. Photo: @shubhangi_anand__ on IG

Read: Scrabble phenom has PHP11M in total earnings from competitions

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang video ay may caption na, “Would you try?”

May layover text din na: “Natural lip plumper.”

Read: TikToker's post about marrying "stepdad" sparks flood of comments

Shubhangi Anand showing the green chilis
Ipinapakita ni Shubhangi Anand ang mga hiniwang green chilis, Photo: @shubhangi_anand__ on IG

Read: Man dies after being scratched by pet cat

Sa video ay makikita si Shubhangi habang naglalagay ng make-up.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang makatapos na siyang maglagay ng lipstick ay naghiwa naman siya ng green chilies gamit ang gunting—at ipinahid iyon sa kanyang lips para mag-plump.

Read: Thesis about body odor criticized; some netizens call it racist

BEAUTY INFLUENCER NABATIKOS NG NETIZENS

Matapos pahiran ni Shubhangi ng green chili ang kanyang lips, mahahalatang nakaramdam siya ng discomfort dahil sa anghang.

Bahagya ring namaga ang kanyang lips—tulad ng inaasahan niyang resulta.

Read: 10-year-old boy calls 911 for help with math homework

Photo of beauty influencer Shubhangi Anand
Ang beauty influencer na si Shubhangi Anand habang nagpapahid ng sili sa kanyang lips. Photo: @shubhangi_anand__ on IG
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: 'Dead' Indian man regains consciousness before being cremated

Ang video ng beauty influencer ay nakakuha na ng mahigit 22M views at mahigit 217K reactions.

Sa kanilang mga komento, nagpahayag ang netizens ng pagkabahala para kay Shubhangi at sa mga posibleng gumaya sa kanyang beauty tip.

Ayon sa isang netizen, “Inappropriate beauty standards and insane methods to achieve those standards!”

May nagbiro naman na kawawa ang boyfriend ni Shubhangi kapag hinalikan siya nito.

Sambit naman ng isa, baka may nagsabing spicy si Shubhangi—at ginawa niyang literal ang papuring iyon.

Read: Model skips BFF’s wedding as bridesmaid due to unhealthy menu

Paalala ng isa pa, “And all are chasing those [beauty] standards and not appreciating their own unique face.

“Makeup is all about enhancing what you've already got—but not going crazy about having plump lips, upward cheekbones, and beautiful nose.”

May nagpayo rin kay Shubhangi na pagkatapos niyang maglagay ng sili sa mga labi, huwag na huwag siyang magpapaaraw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magkakaroon umano siya ng hyperpigmentation sa mga labi—na posibleng hindi na matanggal.

"Anything for content," komento ng isa pa.

May nagsabi ring, "Dumbest thing on the internet."

Read: Naked man found living under 93-year-old woman’s home

ANG PANGANIB NG ANGHANG NG SILI

Ang maanghang na sili ay may taglay na capsaicin.

Ito ang pangunahing sangkap ng pepper spray na ginagamit sa mga weapons na pandepensa laban sa mga attackers.

Isa rin ito sa ginagamit na sangkap para sa sabong pampaputi.

Ang pangunahing pinaggagamitan ng capsaicin ay para makadagdag ng lasa at anghang sa pagkain, ngunit nagdudulot ito ng matinding iritasyon sa kamay at iba pang parte ng katawan at mukha.

Read: BF travels weekly between China and Australia to visit GF

Pinakadelikadong malagyan ng anghang ang mga sentibong bahagi ng katawan, gaya ng mata, ilong, tainga, at labi.

Bukod sa matinding iritasyon, nagdudulot ito ng pamamaga—na isa sa mga factors kaya ginagamit ni Shubhangi para mas maging prominente ang kanyang mga labi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sakaling malagyan ng sili ang alinmang bahagi ng inyong katawan at magdulot ng iritasyon, malulunasan ito sa pamamagitan ng pagpapatak o pagpapahid ng gatas.

Hindi ipinapayo ang paggamit ng sili para magmukhang plump ang mga labi.

Kaya sa mga nakapanood ng video ni Shubhangi at sa kanyang dare kung may gusto ring mag-try, mas tamang sundin ang komento ng isang netizen: “No need. Thank you, sister. Enjoy yourself.”

Read: Gold pocket watch gifted to Titanic hero sold for PHP117M

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inokray ng netizens ang isang beauty influencer na sili ang ginagamit para magmukhang plumper ang kanyang mga labi. (Photos: @shubhangi_anand__ on IG)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results