Kumasa si Miss Grand International 2020 first runner-up Samantha Bernardo sa "no filter challenge."
Sa kanyang Instagram Reels nitong Miyerkules, August 24, 2022, proud na ipinakita ni Samantha ang freckles at pimple marks sa kanyang mukha.
“I use to conceal my freckles and pimple marks because it was deemed not beautiful and a flaw."
Hinikayat din ng beauty queen ang kanyang mga followers na magpakatotoo at ipakita ang natural nilang ganda.
"In a world where LIKES seems like currency and FILTER seems normal, let’s make it a trend to show our real selves as much as possible."
Dagdag pa niya, "Behind every Instagram worthy photos, THIS IS ME and THIS IS MY REALITY."
Marami sa kanyang mga tagahanga ang na-inspire lalo pa't kabilang siya sa industriya kung saan ang pagiging flawless ay isa sa mga batayan ng ganda.
Sa comments section bumuhos ang mga positibong komento.
May mga nagsabi ring "perfect" ang beauty niya sa kabila ng mga imperfections.


READ MORE: