PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aljur Abrenica credits director Don Michael Perez for bringing out his acting skills

The young actor is developing maturity and discipline to stay in showbiz
Published Jan 24, 2011
Ayon kay Aljur Abrenica, ang direktor na si Don Michael Perez (inset) ang nagtiyaga na turuan siya kung paano umarte. "Sa totoo lang, hirap na hirap po akong umiyak noon. Hirap na hirap po akong umarte sa harap ng camera. Pero dahil sa tiyaga niya sa akin, saka sa tiwala na binigay niya, nakayanan ko po," paliwanag ng young actor.

Sa press launch ng Machete noong January 18 sa Studio 7 ng GMA-7, inamin ng lead star nitong si Aljur Abrenica na hindi siya marunong umarte nang magsimula siya sa showbiz.

Pinasalamatan pa nga niya ang direktor ng Machete, si Direk Don Michael Perez, dahil ito raw ang nagtiyaga sa kanya para matuto siyang umarte.

Unang nakatrabaho ni Aljur ang direktor sa dating GMA-7 primetime shows na Zaido at Dyesebel noong 2007 hanggang 2008.

Pahayag ni Aljur, "Sa ngalan po ng aming direktor, si Direktor Michael Perez, ang kauna-unahang direktor na nagtiyaga po talaga sa akin para makaarte. Sa totoo lang, hirap na hirap po akong umiyak noon. Hirap na hirap po akong umarte sa harap ng camera. Pero dahil sa tiyaga niya sa akin, saka sa tiwala na binigay niya, nakayanan ko po."

DIREK PEREZ EXPLAINS. Matapos ang presscon, kinausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Direk Perez para itanong ang detalye ng sinabi ni Aljur. Inamin nito na nahirapan nga siya dati na paartehin ang batang aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Katwiran ng direktor, tila masaya yata ang naging kabataan ni Aljur kaya wala itong mapaghugutan ng masasakit na karanasan sa buhay.

"Masyadong masaya yata yung buhay niya, e, so ang hirap mag-draw from his past experience," saad ng direktor. "Kasi usually, pag nag-motivate ka, humuhugot ka sa personal experience nung actor. E, hirap na hirap siya kasi siya yung klase ng tao na pag meron mang malungkot na bagay sa kanya, hindi niya naman dindibdib. So, lahat yata ng tricks in the book, e nagamit ko na para lang mapaiyak siya."

Sabi ni Direk Perez, ilan sa mga tricks na nagamit niya ay ang mga pisikal na paraan tulad ng pagtulak-tulak kay Aljur. Inamin naman ni Aljur sa PEP na dinibdiban siya ni Direk Perez ng isang beses para sa isang eksena.

Paliwanag ng direktor, "Umaabot pa sa umaabot na sa pisikal, para maramdaman niya yung pain. Halimbawa, kailangan mo siyang itulak-tulak na gan'yan, na hindi naman siya masasaktan, pero alam niya na merong counterforce na kailangan niyang ilabas na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapatuloy ni Direk Perez, hindi naman nagtagal ay natutunan na niya kung paano imo-motivate si Aljur.

"Eventually kasi when I got to him, ganyan, nung naging magkaibigan kami, alam ko na kung anong magpapaiyak sa kanya," sabi ni Direk.

Ano kaya ito?

"Sa amin na 'yon," pagsisikreto ni Direk Perez.

Ngayong 2011, natutuwa ang direktor dahil nagbunga na umano ang pagtitiyaga niya kay Aljur. Isa na kasi ang aktor sa mga nangungunang leading men sa Kapuso network, at malaki na rin daw ang improvement ng pag-arte nito.

"From the last time that I handled him, nagkaroon na siya ng maturity. Palagay ko, yung hinahanap ko dati na mga painful experiences niya na puwede kong paghugatan e meron na," sabi ni Direk Perez.

WORKING HARD. Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Aljur, sinabi niyang wala sa kanyang isip ang pagka-leading man status niya.

"Hindi ko po masyadong ma-observe dahil nagsisimula pa lang ako sa ngayon," pahayag ni Aljur. "Pero, ang masasabi ko lang talaga, thankful ako, dahil pangarap ko 'to, e. At hindi po lahat ng tao na artista, nabibigyan ng pagkakataon na ganito."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dagdag pa ni Aljur, sineseryoso niya ang trabaho niya sa ngayon. Halimbawa nito ay ang paghihirap niya para ma-maintain ang hubog ng katawan niya para sa Machete.

"Discipline" daw ang isinasautak niya para hindi mawala ang hangaring ito. Ipinaliwanag niya kung paano siya nakakapag-exercise kahit na punong-puno ang kanyang schedule.

"Pagdating ko sa set, 7 a.m. in the morning, siyempre, wala pa 'yan, e. Pagdating mo pa roon, datingan pa sila lahat, maghahanda pa sila.

"So, 7 to 8, nagdyi-gym ako sa set. May dala akong sariling dumbbells. Nagpu-push up po ako dun, nagle-leg press, ganyan. May mga barbells and dumbbells po ako.

"Tapos, pag nag-pack up kami, alam niyo naman kung anong oras kami nagpa-pack up. Makakauwi ako mga 7. So, 7, 8, 9, 10, 11... at least five hours na tulog. Pagkagising ko, kain lang, tapos handa na sa pagdyi-gym. Tapos pag-uwi, basa ng script, kain uli, tulog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi naman po ako lumalagpas ng one hour. Forty-five minutes po yung minimum," pagdedetalye ni Aljur.

Pagbibigay-diin pa ng aktor, hindi niya raw makakayanan ang lahat ng ito kung wala ang Panginoon sa buhay niya.

"Inaalay ko po talaga 'to kay Lord, yung blessings na 'to, dahil sa Kanya po galing," pagtatapat ni Aljur.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon kay Aljur Abrenica, ang direktor na si Don Michael Perez (inset) ang nagtiyaga na turuan siya kung paano umarte. "Sa totoo lang, hirap na hirap po akong umiyak noon. Hirap na hirap po akong umarte sa harap ng camera. Pero dahil sa tiyaga niya sa akin, saka sa tiwala na binigay niya, nakayanan ko po," paliwanag ng young actor.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results