PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jomari Yllana admits ex-wife Aiko Melendez is nearest to his heart among his exes.

Jom got a Father's Day greeting at the end of his "Don't Lie To Me" interrogation from son Andrei.
by Rose Garcia
Published Jun 22, 2010
"Ang pinakamalapit sa puso ko is yung nanay ng anak ko," Jomari Yllana admitted about ex-wife Aiko Melendez. Jomari was asked in Showbiz Central's "Don't Lie To Me" segment by proxy host Paolo Contis, who among his exes (Aiko, Ara Mina and Pops Fernandez) would he choose to be with again? Although he was not sure about possible reconciliation with any of them, he admitted Aiko is nearest to his heart.

Nagkaroon ng special "Don't Lie To Me" edition ang Showbiz Central noong Linggo, June 20, to celebrate Father's Day. Parehong ama ang nagharap sa naturang segment na tinawag nilang "Don't Lie To Papa."

Si Paolo Contis ang guest co-host ng Showbiz Central habang isa pang daddy, ang actor na si Jomari Yllana ang umupo naman sa "hot seat."

When Paolo asked Jomari kung ready na ba ito sa mga pang-"Don't Lie" questions niya, natatawa namang ibinalik ni Jom ang tanong kay Paolo, sabay sabing kalmadong-kalmado siya. Ewan lang daw niya kay Paolo na mapapanood kung sakali ng viewers na magsasayaw kung lalabas na "Lie" ang mga sagot niya.

Biro pa ni Jomari, "Gusto ko nga 'Lie' lahat. Hindi pa kita nakikitang sumayaw."

Ang unang question ay nanggaling daw sa anak ni Jomari na si Andrei [with ex-wife Aiko Melendez]. Last year daw kasi, nangako ito na pupunta siya sa Christmas party ng anak. Nag-expect daw ang buong klase ni Andrei, pero nag-back-out siya. Ang hinala raw ni Andrei, hindi nagising si Jomari nang maaga kaya hindi ito nakarating sa party.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yes," ang sagot ni Jomari na tinatapatan naman ng "Truth" ng lie detector.

Paliwanag ni Jomari, "Medyo matagal na 'to, e. Inaalala ko nga. Kung hindi ako nagkakamali, yun yung time na every year, sa klase ni Andrei sa Ateneo, palagi akong nagho-host diyan. Parang tradition na ng klase niya, e.

"Nagho-host ako ng Christmas salu-salo na ginagawa every year. It so happened na nitong last year, kung hindi ako nagkakamali, nagti-taping yata ako ng Rosalinda or ginawa namin ang Celebrity Duets kaya ako na-late. Actually, parang wala yata akong tulog noon."

Sa ikalawang tanong naman ni Paolo, tinanong niya si Jomari na noong huling election daw, parehong tumakbo ang dalawang babaeng nagkaroon ng kaugnayan sa kanya—ang ex-girlfriend na si Ara Mina at ex-wife na si Aiko Melendez.

Pero, totoo raw ba na mas sinuportahan niya si Aiko kesa kay Ara?

Sagot muna ni Jomari, "Parang pareho akong talo kahit na anong sagot ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero pinili ni Jom na sumagot ng "No" na tinatapatan naman ng machine ng "Lie." Kaya no choice si Paolo kundi ang sumayaw.

Paliwanag muli ni Jomari, "Alam niyo, sinuportahan ko naman sila pareho. Bakit ba ganoon, Inspector, bakit 'Lie' ang lumabas?" Nangiti na lang ang inspector na siyang nagha-handle ng lie detector.

Sa ikatlong tanong naman ni Paolo, tinanong niya kay Jomari kung totoo bang ang third party sa nasirang relasyon nila ni Ara Mina ay si Sexbomb Mia?

"No," ang sagot ni Jomari. Sabay-hirit ng isa pang question ni Paolo.

Pang-apat na tanong ni Paolo, totoo raw bang nagkaroon ng lihim na relasyon si Jomari sa sexy actress na si Maui Taylor habang girlfriend pa noon ni Jom ang singer-actress at TV host na si Pops Fernandez? May tsismis raw kasing madalas puntahan ni Maui si Jom sa Zorro taping noon.

"No," ang sagot ni Jomari na tinatapat ng "Lie" ng machine.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

When Paolo later asked him about Maui, Jomari said, "Actually, hindi ko nga alam kung bakit 'Lie' ang lumabas. Number one, hindi totoo na dumadalaw sa set namin. At saka si Maui, there's no romantic side sa amin. We're just good friends. Magkaibigan lang kami."

Pero may follow-up question pa rin si Paolo kay Jomari na kung meron daw chance na balikan ni Jomari ang mga ex niya, sino ang babalikan niya kina Aiko, Ara at Pops?

Nasabi tuloy ni Jomari, tingin daw niya ay pahirap nang pahirap ang mga tanong ni Paolo. At saka niya sinagot din na, "Alam nyo, mahirap...mahirap e. Hindi ko rin masasagot nang diretso yan. Lahat naman ng binanggit n'yong pangalan, lahat ng nagkaroon ng relationship sa akin, lahat naman 'yan, may kanya-kanyang past at pinagdaanan.

"Sa darating na future, siyempre, hindi ko masabi. Pero kung ako ang tatanungin niyo personally, siyempre, ang pinakamalapit sa puso ko is yung nanay ng anak ko. Pero kung magkakabalikan, mahirap tanungin at mahirap din sagutin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

After all the questions asked, Jomari was surprised by a greeting from his son Andrei over the phone with a message of thanks for being the best dad for him.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ang pinakamalapit sa puso ko is yung nanay ng anak ko," Jomari Yllana admitted about ex-wife Aiko Melendez. Jomari was asked in Showbiz Central's "Don't Lie To Me" segment by proxy host Paolo Contis, who among his exes (Aiko, Ara Mina and Pops Fernandez) would he choose to be with again? Although he was not sure about possible reconciliation with any of them, he admitted Aiko is nearest to his heart.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results