PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Councilor-elect Alfred Vargas will return to TV work in July

Alfred's leave of absence from showbiz paid off.
by William R. Reyes
Published Jun 1, 2010
"For me it's an eye-opening experience. Mas nakilala ko yung mga tao, tapos nakita ko kung ano talaga yung kailangan nila, kung paano ako makakatulong," says Alfred Vargas about running in the last elections.

Tatlong linggo na ang nakalilipas mula nang maproklamang konsehal ng Quezon City, pero tila wala pa ring pagsidlan ng tuwa si Alfred Vargas sa natamong tagumpay.

"Super saya and I'm very excited to take oath!" bulalas ng actor turned politician sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "For me it's an eye-opening experience. Mas nakilala ko yung mga tao, tapos nakita ko kung ano talaga yung kailangan nila, kung paano ako makakatulong.

"I gave up my showbiz projects para lang makapasok sa pulitika at tumakbo bilang konsehal. Yun ang malaking sacrifice ko. Hindi ko na alam, baka iba na pagbalik ko. But I had to make a choice," sabi rin ni Alfred, bilang pagtukoy sa Comelec rule na hindi na muna puwedeng lumabas sa TV o pelikula ang isang artista until after elections.

At hindi nagkamali si Alfred. Matapos manalo sa eleksiyon, mayroon naman siyang tinapos i-shoot na indie movie, Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio, para sa Cinemalaya 2010 ngayong Hulyo 9-18.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ito yung major comeback movie ko, na maganda. Directed by Mario O'Hara," banggit pa ni Alfred.

TV COMEBACK. Nabanggit din ni Alfred na puwede na rin uli siyang lumabas sa telebisyon any time, before and after his oath-taking.

"'Yan ang source of income natin, di ba?" aniya.

Sa July nakatakdang bumalik sa trabahong pang-TV si Alfred, kasabay ng kanyang panunungkulan sa Quezon City bilang councilor.

"Kinausap na ako nina Ma'am Wilma [Galvante, SVP for Entertainment TV ng GMA-7]," sabi ng actor-politician, na aminadong nag-gain ng weight mula nang magbakasyon sa pagiging artista at mag-concentrate sa kampanya.

"Hiyang, e," nangiti si Alfred. "Dala ng elections. Puyat 'tsaka kain. Basta mag-lose lang ako ng ilang pounds, babalik na ako [sa TV]. That's by July."

Ngayong tapos na siyang mag-shoot ng mga eksena niya para sa nabanggit na indie project, "Mag-o-official training na ako," wika niya.

DANIELLE CASTAÑO AND YASMINE ESPIRITU. Bilang Andres Bonifacio, ang Supremo ng Katipunan, sa Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio, si Alfred ay mayroong "lakambini" sa katauhan ng newcomer at beauty queen na si Danielle Castaño, Bb. Pilipinas-World 2008.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Mabait siya. Very warm. Ang warm na nga ng panahon, warm pa siya. Pinapawisan ako palagi!" biro ni Alfred.

Asked about his real-life girlfriend, mabilis din itong tinukoy ni Alfred

"Meron...warm din siya," biro pa niya. "Her name is Yasmine Espiritu. She's half-Italian, a painter."

Sa shooting ng Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio kamakailan ay dumalaw sa set ang magandang girlfriend ni Alfred. Ipinakilala niya ito sa kanyang mga kasamahan, pati sa mga naroong movie reporters.

The pretty lady is from Lumban, Laguna, pero lumaki sa Italy at doon nag-aral ng pagpipinta. Alfred is indeed proud of her bilang isang mahusay na visual artist.

"She's into the visual arts. Ako naman, performing arts," aniya.

Sabi rin ni Alfred, susuportahan niya ang nobya sakaling mag-decide itong magkaroon ng one-woman painting exhibit.

"Siguro, mga next year," banggit ng konsehal. "Sabi ko nga, 'Kung kailangan mo ng model, ako na lang...huwag lang nude!" At natawa si Alfred.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa mga showbiz functions ay naisasama na rin ni Alfred si Yasmine. At nitong panahon ng kampanya, sumuporta rin sa kanya ang girlfriend.

"Sumama siya, sa ibang mga lugar. Very supportive siya," sabi pa ni Alfred.

MULTI-LEVEL PLANS. Sa pagiging isang konsehal ay malinaw ang naihayag na plataporma ni Alfred Vargas. Kabilang ito sa multi-level plans ng kanyang panunungkulan sa kanyang distrito (4th District), sa Quezon City.

"May long-term may medium-term, may short-term [plans]. Naka-specify na 'yan," sabi rin ni Alfred. "Yung platform ko kasi, yung acronym ko: A-L-F-R-E-D. A, para sa Arts; L, para sa Livelihood, o Lupa; F, para sa Food Production; R, for Recreation Centers; E, para sa Education and Environment; D, for Development of Health Centers and support for persons with Disability."

At ang unang tututukan ni Alfred sa kanyang unang isandaang araw, o first 100 days ng panunungkulan, ay: "Livelihood, or lupa (pa-lupa), kasi it's the biggest problem my district is facing now," pahayag ng bagong halal na konsehal ng Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Alfred Vargas, Yasmine Espiritu
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"For me it's an eye-opening experience. Mas nakilala ko yung mga tao, tapos nakita ko kung ano talaga yung kailangan nila, kung paano ako makakatulong," says Alfred Vargas about running in the last elections.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results