PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

ELECTION WATCH: Aiko Melendez on her vice-mayoralty quest: "I want to make history."

Ara Mina hopes to be the one to fill Aiko's shoes in Quezon City's District 2.
by Melba R. Llanera
Published Mar 14, 2010
"Sabi ko nga, wala namang maliit na di nakakapuwing, lalo na ang intention ay maganda, so naniniwala 'ko kakayanin namin yun," said the actress and Quezon City councilor, who is vying for the post against a political scion.

Noong February 20, na-carnap ang SUV ng kapatid ni Aiko Melendez pero naibalik naman ito matapos ang ilang araw. Walang maiturong suspect sa nasabing krimen, at kahit na nabawi na ang sasakyan, isa pa ring malaking palaisipan kung talaga bang carnapping ito o may mensaheng gustong ipaabot sa District 2 councilor ng Quezon City.

Two weeks ago, bago nangyari ang insidente, tina-tackle ng vice-mayoralty candidate ang issue ng carnapping sa siyudad niya. "Ang sad lang," sabi niya sa article na lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) noong February 22, "ako ang sinampulan ng mga carnapper."

THE RECOVERY. Sa launching ng Vice for Him and Vice for Her perfumes ng Fragances of the Stars, kung saan endorser si Aiko along with Manila Vice Mayor Isko Moreno, kinuwento ng konsehala ang nangyari sa nawalang sasakyan.

"Na-carnap siya and na-recover after three days. Abandoned in Payatas, pinalitan na ng plate number, wala na yung wang-wang [siren], tapos yung sticker tinanggal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi ng Ancar [Anti-Carnapping Unit], inside job daw. They gave a statement already pero mahirap magbintang, e."

THE ELECTIONS. Sa darating na halalan, isa sa katunggali ni Aiko para sa posisyong vice mayor ng Quezon City si Joy Belmonte-Alimurung, ang anak mismo ng nakaupong mayor na si Francisco "Sonny" Belmonte. Marami ang nagsasabi na mukhang babangga sa pader ang aktres.

"I know, I wanna make history nga. Sabi ko nga, wala namang maliit na di nakakapuwing, lalo na ang intention ay maganda, so naniniwala 'ko kakayanin namin yun. Yung mga tarpaulins ko nga, binabaklas pero sa surveys naman, statistically tie kami."

Tinanong namin si Aiko kung ano ang magiging focus niya kung papalarin siyang manalo.

"Siyempre, more projects na talagang kailangan. I want to focus more on the health programs of Quezon City kasi ang naging focus namin nung past few years are infrastructure projects. It's about time that we have projects para sa mga maralita talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ARA MINA. Tatakbo naman for councilor ng District 2 ang dati niyang kaalitan na si Ara Mina. Matatandaang minsan nagkarelasyon si Ara at ang dating asawa ni Aiko na si Jomari Yllana.

Para kay Aiko, huwag na sana intrigahin silang dalawa ni Ara, lalo na't magkapatid sila sa industriya.

"Di ko pa siya nakikita and wala kaming chance na magkita. She's running for councilor, under kami sa iisang district pero magkahiwalay kami ng partido, independent yata siya.

"Sa akin naman, anybody naman can run and be a public servant as long as you have the calling. Now is not the time na magsiraan, ng mga intriga, we should uplift each other's morale lalo na ngayon na dina-down ang morale ng show business."

SMOOTH RELATIONS. Maayos at tahimik naman daw ang tinatakbo ng relasyon niya sa mayor ng Bulacan, Bulacan na si Patrick Meneses.

"Okey kami, everything is going on smoothly and sobrang nandiyan siya palagi to support me in every way that he can. Sobrang busy talaga kami but we find time to communicate, and during our free time we talk talaga coz communication is very important.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"My kids adore yung mommy niya and same thing with Tita Precy, sobrang love na love niya yung mga bata."

Nagiging topic na raw ng usapan nila ang pagpapakasal, "pero wala pa," sabi ni Aiko. "Wala pa talaga sa plano sa ngayon."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sabi ko nga, wala namang maliit na di nakakapuwing, lalo na ang intention ay maganda, so naniniwala 'ko kakayanin namin yun," said the actress and Quezon City councilor, who is vying for the post against a political scion.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results