PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Regine Tolentino explains she was not axed from Unang Hirit

Regine returns to acting via "Ina, Kasusuklaman Ba Kita?"
by Glen Sibonga
Published Jan 29, 2010
"It doesn't mean naman na because my contract is finished, e, I'm totally out of the show na. I still guest sa show once or twice a week. And I do my segment, which is a lighter load para sa akin, kasi hindi na ako lumalabas or naglo-location ng malayo. Yung focus ko talaga is yung forte ko, pagsayaw, sa fitness," says Regine Tolentino about Unang Hirit.

Pinabulaanan ni Regine Tolentino ang naglabasang balita sa tabloids na tinanggal daw siya at hindi nag-resign bilang host ng morning show ng GMA-7 na Unang Hirit nang mag-reformat ito. Ang totoo raw ay natapos na talaga ang contract niya sa show last January 15. Hindi na raw siya nag-renew dahil nagsisimula na nga siya sa taping ng Sine Novela Ina, Kasusuklaman Ba Kita?, na pinagbibidahan ng mag-inang Jean at Jennica Garcia.

"May reformatting but actually, even before that, may invitation nga sa akin to go back to ETV [Entertainment TV] para gumawa ng soap, yun nga yung Ina, Kasusuklaman Ba Kita?. So, siyempre, nag-consult ako sa manager ko, sa GMA Artist Center. And since may go-signal na ako sa kanila to accept the project, tinapos ko yung contract ko until January 15 dahil nga mag-start na yung taping ko.

"Since hindi po ako nag-renew... Actually yun nga, e, the worst tsismis na lumabas is yung tinanggal ako sa show dahil nagpapataas daw ako ng talent fee. Sabi ko, sa lahat ng reasons, bakit yun pa? That was never, never an issue sa Unang Hirit. And sobrang mahal na mahal ko yung mga kasamahan ko doon. And I really love that job so much. Mami-miss ko rin talaga kasi I'm a morning person," mahabang paliwanag ni Regine nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon na inihanda ng A Fucoidan sa kanilang endorser kahapon, January 28, sa Annabel's restaurant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paano nakaapekto sa kanya yung negative issue tungkol sa pagkatanggal niya umano sa Unang Hirit?

"Yun nga, in my case, yung issue is so blown out of proportion," sabi ni Regine. "And nakasama kasi, nasa Internet at tabloids. I feel bad kasi, siyempre, yung mga parents ng kaklase ng mga kids ko, yun nga, nagtatanong sila sa akin. When I look at the tabloids, it's really negative. Nakakasama ng loob.

"So, I brought it up sa management. Sabi ko, 'Sa lahat ng tsismis, bakit ganito yung interpretation ng tao sa nangyari?' And they were very supportive. At saka it doesn't mean naman na because my contract is finished, e, I'm totally out of the show na. I still guest sa show once or twice a week. And I do my segment, which is a lighter load para sa akin, kasi hindi na ako lumalabas or naglo-location ng malayo. Yung focus ko talaga is yung forte ko, pagsayaw, sa fitness."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nauna nang naisulat dito sa PEP ang tungkol sa sama ng loob sa GMA-7 ng dati niyang kasamahan sa Unang Hirit na si Eagle Riggs. Ayon kay Eagle, pakiramdam niya raw ay pinabayaan siya at iniwan sa ere ng Kapuso network sa kabila ng kanyang pagiging loyal sa istasyon for nine years. (CLICK HERE to read related story.)

"Yung kay Eagle naman, hindi ko kasi alam kung ano yung lumabas sa kanya. And I actually don't know his status because the past several months, hindi na kami nagsasama sa location. So, I really don't know kung ano yung feelings niya regarding this issue. Kung sumama man ang loob niya, I think he should be the one talking about it. As far as I know, on my part, tapos na yung contract ko talaga and the soap came about."

BACK TO ACTING. Hindi man daw regular si Regine sa Unang Hirit ngayon, wala naman daw malaking panghihinayang kay Regine dahil mas pinili nga niyang bumalik sa pag-arte sa Ina, Kasusuklaman Ba Kita?. Ginagampanan ni Regine ang role ng best friend ni Jean Garcia sa naturang soap.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi ba siya nanibago sa kanyang pagbabalik sa acting?

"You know, it's different here dahil sanay na sanay ako na tumitingin sa camera when I am hosting, dancing, and everything. Nanibago talaga ako because unang taping day... Unang-una, sobrang idol ko si Jean Garcia. And so, nagpa-picture talaga ako sa kanya and talagang I kept staring at her. Gandang-ganda ako sa kanya. Ang galing-galing niya talagang umarte.

"And so when I had my first few scenes with her, talagang na-stage fright ako and naiilang. I was quite intimidated at first pero dahil sobra siyang accommodating and supportive, we've been doing wonderful scenes together the past few days. And then, yun, marami siya sa aking ibinibigay na tips. And yung nasampal na niya ako, nag-away-away na rin kami," kuwento ni Regine.

Kumusta naman ang sampalan scene nila ni Jean?

"It was more like sa 14 years ko sa showbiz, ngayon lang ako nasampal nang ganun," sabi niya. "Yung talagang parang naalog, parang ganun. Yun, I was shocked and I really didn't know what to expect. Okay naman, pero malakas talaga. Pero mas lalo kong naramdaman yung eksena pag medyo malakas pala ang sampal. So, I think nakatulong sa pag-arte ko doon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

After that scene, ano ang sinabi sa kanya ni Jean?

"Sabi niya, 'Sorry, sorry, sorry...' Yun, but she told me na okay daw yung acting ko sa eksena na yun. At least, sabi ko, maganda yung naging resulta."

Sa tingin niya ba after doing these scene, magiging open siya sa more challenging roles in the future?

"Absolutely!" sagot ni Regine. "I mean, my role here is wonderful. Napakaganda ng istorya ng Ina... And after this, sabi ko, 'My gosh! I wanted to do so much more. With all of the things that I've gone through the past years, parang I feel I will be more than happy to accept character roles. Gusto ko nga kontrabida. Parang malanding-malanding something or yung nang-aaway, nang-aapi, parang ganun."

Ngayong gumagawa siya ng soap at saka raw niya na-realize kung gaano niya na-miss ang pag-arte.

"Sobra. You really don't know what you've lost until ma-experience mo siya ulit. So, talagang ang sarap pala ulit yung mahabang samahan with different actors, learning from them, and be challenged by different roles and acting again. It's really a big change for me. Pero I super embrace it and I'm really, really happy to be back also."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natutuwa rin siya dahil nagkakaroon siya ng bagong friends by doing soaps.

"Oo, true. Yeah, super. Yun nga ang sinasabi ko, talagang nai-starstruck pa rin ako every time I come to the set with Jean. And then minsan, hindi talaga agad ako makakasalita until she warms up. Medyo nagiging ako ulit. Medyo nawawala yung pagiging fan ko sa kanya. It's a great feeling to be around several great actors and siya especially, talagang sobrang taas ang regard ko for her," saad niya.

Mag-best friends ang roles nila ni Jean sa soap, in real life kaya posibleng maging best of friends din sila?

"Ay, super, ka-vibes ko siya! Kahit nai-starstruck pa rin ako sa kanya, I love her. She's so fun to be with. And talagang sobrang magka-vibes kami sa lahat ng bagay."

HOT MAMA. Sa kabila ng busy schedule ni Regine sa kanyang career, business at family, proud pa rin siya na nagagawa niya pa rin to look good.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Thank God, it's great to be busy," sabi niya. "It's great to be a parent to my two kids, at the same time, may time pa rin para sa kanila. And the best part para sa akin, yun nga, still loooking good. You know, I'm so inspired. Siyempre, my husband [Lander Vera Perez] is so supportive at guwapong-guwapo siya ngayon. Talagang we help each other to stay healthy and we help each other to look good. You know, pag busy ka, hindi mo naiisip yung mga bagay na kung ano ang kakainin mo, yung mga ganyan."

How does it feel na marami ang pumupuri sa kanyang 22-inch waistline?

"Oo nga, e. It has been a while na na-appreciate ako for my waistline. Super proud," sabi ni Regine.

Kailan ba siya huling nagkaroon ng ganitong waistline?

"High school pa ako noon, as in. Mas malaki pa yung waistline ko nung nag-asawa ako, e. So now I'm really happy to really flaunt it na maliit pa rin ang aking bewang kahit dalawa na yung anak ko. And I'm very, very proud to wear sexy clothes. Kasi dapat ang babae kahit may asawa't anak na, hindi ka dapat talaga titigil sa pag-e-effort para magmukha ka pa ring dalaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang comment niya sa tag na "hot mama"?

"Hot mama... proud siyempre! Proud na proud!" sambit niya.

How does it feel na mas dumarami ang endorsements ngayon?

"I'm so blessed and I'm so happy. Di ba, you would think na hahanapin lang ng mga tao yung mga bago, yung mga bagets, at yung mga teenagers. But I'm so proud na kahit papaano, I'm 31 years old with two kids and happily married, medyo nananahimik na. Pero may mga projects pa rin. So, I'm really happy. Happy hindi lang dahil may endorsement. Happy na nakakasayaw pa rin ako sa TV, di ba, parang you don't get a chance for people to accept that image? In my case, talagang nagagawa ko pa rin yung mga passion ko sa buhay."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"It doesn't mean naman na because my contract is finished, e, I'm totally out of the show na. I still guest sa show once or twice a week. And I do my segment, which is a lighter load para sa akin, kasi hindi na ako lumalabas or naglo-location ng malayo. Yung focus ko talaga is yung forte ko, pagsayaw, sa fitness," says Regine Tolentino about Unang Hirit.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results