PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gian Magdangal says being a family man is an "everyday learning" experience

The singer-actor misses doing soap.
by Glen Sibonga
Published Jan 20, 2010
"Every day, may mga bago talaga akong natututunan. Siyempre, malaking kaibahan noong single pa tayo kumpara ngayon na may family na ako. Mas iniisip ko ngayon ang kapakanan ng asawa ko't anak," says Gian Magdangal (in photo, with parner Sheree and son Haley) about being a family man.

Nag-e-enjoy si Gian Magdangal sa pagiging daddy niya sa kanyang magdadalawang taong anak na si Haley. Mas inspirado raw siyang magtrabaho ngayon dahil hindi lang ang sarili niya ang kanyang iniintindi ngayon. Naka-focus nga ang lahat ng efforts ni Gian para sa kanyang pamilya—his wife Sheree and son Haley.

"Naku, 'eto, full time father," sambit ni Gian nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "It's an everyday learning. Every day, may mga bago talaga akong natututunan. Siyempre, malaking kaibahan noong single pa tayo kumpara ngayon na may family na ako. Mas iniisip ko ngayon ang kapakanan ng asawa ko't anak."

Ano ang usual bonding moments nila ni Haley?

"Ako, pagkagaling ko sa work, diretso na ako sa bahay, e. At saka talagang I try to bring him out sa mall, sa pasyalan. Ang next project ko kay Haley ay turuan siyang mag-swimming. Kasi nakakalakad na siya, nakakatakbo na siya. Binilhan namin siya ng mini-drumset. Mahilig din sa music, e. Nanonood kami ng mga DVD sa bahay, cartoons, ganun. Simple lang ang bonding namin talaga," kuwento niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GOING STRONG WITH SHEREE. Kumusta naman ang relationship nila ng partner niyang si Sheree?

"Going strong, doing great. Mas minamahal namin ang isa't isa, especially nandiyan si Haley," sagot ni Gian.

Hindi ba niya pinoproblema ang sexy image ng asawa?

"Yung sexy image kasi, bago pa kami nagkakilala, nandiyan na 'yan, e. It's just a matter of understanding her job and getting the hang of it. At saka I trust her naman, e."

Very supportive daw sina Gian at Sheree sa career ng bawat isa kaya wala silang nakikitang pagmumulan ng problema sa relationship nila.


FIRST LEAD ROLE. Nagbunga naman ang pagiging masigasig ni Gian sa trabaho dahil siya ang napiling gumanap sa lead role na Roger Davis, ang HIV-positive songwriter sa Philippine production ng musical na Rent, produced by 9 Works Theatrical Company. Huling napanood si Gian sa West Side Story in 2008, kaya naman excited na siya sa muli niyang pagsabak sa teatro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"It's the first time na lead talaga ako, so I'm really very excited. It's something na people need to watch out for sa akin this 2010," aniya.

Proud si Gian na siya ang napili na maging bida sa Rent dahil nag-audition daw siya para sa role. Mahigit sa 300 na katao ang nag-audition para rito. Mas nakaka-pressure pa nga raw na very successful ang naunang produksyon ng Rent.

"Of course, there is pressure because it's a tough act to follow. Pero hindi ka dapat magpatalo sa pressure. Basta we'll do our best to entertain our audience."

Mapapanood ang Rent sa lahat ng weekends ng February simula sa February 5 sa Carlos P. Romulo Auditorium sa RCBC Plaza Makati.

MISSES DOING SOAP. Bukod sa Rent, abala rin si Gian sa GMA Sunday musical-variety show na SOP Fully Charged. Pero kung meron man daw siyang nami-miss, ito ay ang pag-arte sa soap opera. Nakasama nga sa cast ng Rosalinda si Gian last year. Ginampanan niya ang role ng best friend ng bidang si Geoff Eigenmann.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"It's my first soap, so everything is memorable. Ang nami-miss ko yung work," sabi ng singer-actor.

Nag-enjoy raw si Gian sa first soap niya. Ano naman ang natutunan niya sa experience niyang ito?

"Ang natutunan ko... iba talaga yung discipline ng soap kaysa sa theater. Sa theater kasi ako lumaki. Doon, ang madugo yung ensayo. Sa soap kasi, yung paghihintay sa eksena, ganun. At saka yung material iba, Tagalog. Para sa akin, challenge yun kasi first time kong umarte ng Tagalog, e. English kasi yung mga nasalihan kong plays. Lahat ng experience ko sa acting has always been in English. So, to do something in Tagalog is something na nakakapanibago, pero napakagandang experience."

Wish nga ni Gian na sana ay mabigyan ulit siya ng GMA ng bagong soap.

"You know, God provides naman. Sana magkaroon ulit ng isa pang soap."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Every day, may mga bago talaga akong natututunan. Siyempre, malaking kaibahan noong single pa tayo kumpara ngayon na may family na ako. Mas iniisip ko ngayon ang kapakanan ng asawa ko't anak," says Gian Magdangal (in photo, with parner Sheree and son Haley) about being a family man.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results