PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tita Angge celebrates birthday with wards

The ABS-CBN talent coordinator, whose home was badly hit by Ondoy, is thankful that she has recovered.
Published Jan 20, 2010
The birthday lady, Cornelia Lee (second from right) with her wards—(from left) Smokey Manaloto, Mickey Ferriols, and Sylvia Sanchez.

Nagdiwang ng kaarawan ang talent manager na si Cornelia Lee, na mas kilala bilang Tita Angge, last Monday, January 18, sa kanyang tahanan sa isang village sa Marcos Highway.

Taun-taon ay doon idinaraos ni Tita Angge ang kanyang kaarawan. (CLICK HERE to read related story.)

Bago ang salu-salo sa gabi, nagkaroon muna ng prusisyon ng Sto. Niño sa kanilang subdivision dahil nitong nakaraang Linggo naman ay kapistahan ng Niño Hesus.

Dumating sa selebrasyon ang karamihan sa mga alaga ng birthday lady, tulad nina Smokey Manaloto, Mickey Ferriols, Timmy Cruz, Gary Lim, William Lorenzo at Sylvia Sanchez.

Isa sa mga highlights ng gabi ay ang pagdating ng komedyanteng si Bayani Agbayani, na umalis sa poder ni Tita Angge bilang talent late last year.

Kasabay ng paglipat ni Bayani sa GMA 7 mula sa ABS-CBN ay ang pagpapalit ng manager. Si Noel Ferrer, na siya ring manager ni Ryan Agoncillo, ang namamahala ng career ng komedyante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kabila ng mga intrigang hindi maayos ang naging hiwalayan nila, dumalo pa rin si Bayani sa birthday party at maayos naman siyang tinanggap ng kanyang dating manager.

Hindi nakadalo ang dalawa pa sa mga alaga ni Tita Angge na sina Lotlot de Leon at Mymy Davao. Napag-alaman namin na a few nights before her birthday ay niyaya nina Lotlot at Mymy ang kanilang manager na mag-dinner bilang birthday treat.

Ang isa pang dating alaga ni Tita Angge na si Eula Valdes ay hindi rin dumating, although napag-alaman namin na bumati ito sa pamamagitan ng text message sa araw mismo ng kanyang kaarawan.

Tulad ni Bayani, nasa GMA 7 na rin si Eula, at ang nagma-manage ng career nito ay si Ricky Gallardo.

Ang isa pang malapit kay Tita Angge ay ang Megastar na si Sharon Cuneta, na hindi rin nakapunta sa party dahil nasa taping ito.

Bukod sa pagdiwang ng kanyang kaarawan, thanksgiving rin ng talent manager ang naturang salu-salo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa rin kasi si Tita Angge sa mga taga-showbiz na ang bahay ay nasalanta ng bagyong Ondoy noong September 26, 2009.

Ang buong unang palapag ng kanyang bahay ay nalubog sa baha at nasira ang kanyang mga kagamitan

Maayos na muli ang kanyang tahanan na labis-labis na ipinagpapasalamat ito ni Tita Angge.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The birthday lady, Cornelia Lee (second from right) with her wards—(from left) Smokey Manaloto, Mickey Ferriols, and Sylvia Sanchez.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results