PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tips: How to remove fabric stains with these household items

DIY stain removal: household items that remove stains effectively & naturally.
by Bernie V. Franco
Published Feb 25, 2026
stain
Clueless on how to remove stains on your clothes? Here’s your ultimate guide to removing stains using these common household items.
PHOTO/S: Canva

May mga household items na epektibong pantanggal ng iba’t ibang uri ng mantsa sa damit.

Maraming benepisyo ang paggamit ng household items bilang stain removers. Mabisang pantanggal ng mantsa, mura, at wala pang harmful chemicals na maaarang makaapekto sa tela.

Kailangan lamang malaman kung ano ang pinaka-effective na item sa mga partikular na mantsa para matiyak na tanggal ito at maalagaan ang tela.

Maaari ring i-combine ang dalawang household items para makuha ang tamang mixture pantanggal ng partikular na mantsa.

Read: Tried-and-tested hacks for cutting onions without tears

HOUSEHOLD REMEDIES TO REMOVE STAINS

Bago isa-isahin ang mga natural na pantanggal mantsa, mahalagang isaang-alang na mas madaling tanggalin ang mantsa kapag bago lamang ito.

Kapag matagal na itong nasa damit, mas mahirap itong matanggal at kailangang ibabad sa tubig na may halong sangkap nang mas matagal para matanggal.

Calamansi o lemon

Kinalakihan ng marami na mabisang pantanggal mantsa ang calamansi. Puwede ring lemon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ang karaniwan at effective hack ng mga nanay para tanggalin ang paninilaw sa puting damit at para lalo itong pumuti.

Mabisang stain remover ang calamansi o lemon—partikular na sa underarm stains at kalawang sa mga damit sahil sa acetic acid ng mga ito.

Karaniwang ginagawa ng mga nanay na direktsang ipinapahid ang katas ng kalamansi sa mantsa habang nilalabhan ang mga ito.

Pagkatapos ipahid ang katas ay kukusutan ang parteng ito hanggang maalis ang mantsa.

Ang iba naman, inihahalo ang calamansi juice, baking soda, at sabon sa tubig na pagkukusutan ng damit para paputiin.

Hindi naman ginagamit ang calamansi para sa mga damit na de-color dahil tiyak na mangungupas ito.

Distilled white vinegar

Isa pang karaniwang ginagamit ng mga nanay sa paglalaba at pagpapaputi ng puting damit ay suka.

Kasing epektibo ito ng bleach subalit mas banayad sa damit.

May ibang artikulo iminumungkahi ang apple cider vinegar over white vinegar, pero ayon sa The Spruce, puwedeng magresulta sa pagmamantsa ang una dahil may kulay ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Epektibo ang white vinegar sa pantanggal ng mantsa mula sa pawis, makeup foundation, coffee stain, deo stain, pati na rin ang amoy. Mabisa rin itong pampaputi ng damit.

Ginagamit ang suka kapag kinukusot sa sabon ang puting damit.

Tulad ng calamansi o lemon, hindi recommended na gamitin ang suka sa mga damit na de-kolor.

Baking soda

Hindi mawawala sa listahan ang ever reliable na baking soda, na napakaraming gamit bilang panlinis pagdating sa kitchen at restroom.

Isang murang ingredient na madalas gamitin pampaputi ng white clothes, pero safe rin gamitin kahit sa mga de-kolor.

Mabisa ang baking soda bilang pantanggal ng amoy sa mga damit, mantsa mula sa tsaa, crayons, hair dye, turmeric, at para mag-amoy fresh.

Puwede itong ihalo sa detergent sa paglalaba para magtanggal ng mantsa, at nagpapalambot sa damit.

Sa bawat salang sa washing machine, maaaring magdagdag ng kalahating tasa ng baking powder kasama ng detergent.

Kung matindi ang amoy ng damit, maghalo lamang ng kalahating tasa ng baking soda sa tubig na may sabon at ibabad ng magdamag ang tubig.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
baking soda, vinegar, lemon
Baking soda, vinegar, and lemon are powerful household remedies in removing fabric stains.
Photo/s: Canva

Table salt

Ang table salt o asin ay mabisang pantanggal ng mantsa mula sa kalawang, red wine, pati na rin ang lipstick.

Kapag natapunan ng red wine ang damit, inirerekomenda na budburan agad ito ng asin bago pa man manikit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang asin ay naga-absorb ng mantsa, kaya kapag nakitang natanggal na ang mantsa ay agad itong hugasan at banlawan. Maaari rin kasing mangupas ang damit kapag masyadong nagtagal ang asin.

Alam niyo bang maganda ring pantanggal ng mantsa ang asin na nanikit sa plantsa.

Kaskasin lamang ng binasang salt sa metal part plantsa at punasan ito kapag natanggal ang mantsa.

Read: Philtranco clarifies "business stop operation" announcement

Talcum powder, chalk, cornstarch

Kapag oil-based naman ang mantsang tumapon sa damit, mainam ang paggamit ng talc o iyong baby powder, cornstarch, o kaya ay puting chalk.

Mabilis ding matatanggal ang oil-based stain kapag hindi pa ito nagtatagal sa damit.

Budburan lamang ng talcum powder o cornstarch sa mantsa. Kaskasan naman ito ng putting chalk at hayaan ito sa damit ng 10 minutes para i-absorb ang oil.

Matapos ang paghihintay ay tanggalin ang pulbos at labhan na ang damit para tuluyang matanggal ang mantsa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hydrogen peroxide

May iba pang gamit ang hydrogen peroxide bukod sa panlinis ng sugat.

Magandang alternatibo rin ito bukod sa bleach pagdating sa pagpapaputi ng damit.

Di hamak na less harsh ang hydrogen peroxide sa damit.

Ito kasi ay epektibong oxidizing agent na puwedeng gamitin sa pagbi-bleach.

“Hydrogen peroxide breaks down into water and oxygen and is a more environmentally safe alternative to chlorine bleach,” ayon sa The Spruce.

Mabisa ito para matanggal ang mantsa sa underarm sections ng damit at iba pang mantsa mula sa dugo, nail polish, mantsa ng ulam at red wine sa puti o light-colored fabrics.

Borax

Ang isa pang kilalang cleaning agent na magandang stain remover ay ang borax.

Ito ay mineral compound na binubuo ng oxygen, sodium, boron, at water.

Safe ito para sa kalikasan, subalit maaaring makairita ng balat at hindi maaaring ma-ingest.

Karaniwan itong ihinahalo kapag gumagawa ng mga do-it-yourself (DIY) laundry detergent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para matanggal ang mantsa, ihalo ang 1 tsbp. na borax sa 2 tbsp. na tubig para makabuo ng paste.

Ipahid ito sa mantsa at hayaan ng 30 minuto bago labhan at hugasan ang damit.

Combining household items

Samantala, maaari ring i-combine ang ilan sa home items na ito sa pagtanggal sa iba pang uri ng mantsa.

Para tanggalin ang mantsa mula sa tomato sauce at cooking oil o butter, pahiran ito ng pinagsamang baking soda at vinegar.

Para tanggalin ang mantsa ng sunscreen, pahiran ng mixture ng calamansi (o lemon) at salt.

Sources:

https://www.thespruce.com/natural-laundry-stain-removers-4061242

https://www.pinterest.com/pin/1111615120540479311/

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Clueless on how to remove stains on your clothes? Here’s your ultimate guide to removing stains using these common household items.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results