PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Why are pencils yellow?

The color yellow was a brilliant marketing strategy of a Czech businessman.
by Bernie V. Franco
Published Jun 13, 2025
yellow pencil
The pencil's color yellow was intentional. The color has a deep meaning that is tied to history and culture.
PHOTO/S: Canva

Mula pagkabata, nakagisnan na nating dilaw ang kulay ng lapis na gamit natin sa paaralan.

Hanggang sa ngayon, ilang henerasyon man ang nakalipas, standard ang dilaw na lapis.

Nagkaroon man ng ibang kulay ang lapis, markado sa atin ang yellow dahil ito na ang nakamulatan natin.

Pero bakit nga ba dilaw ang lapis?

Marahil lingid sa kaalaman ng marami sa atin, makulay ang kuwento ng dilaw na lapis. Malalim ang kaugnayan nito sa kultura at kasaysayan.

Read: Miracle lone survivor in India plane crash recalls ordeal

HOW PENCIL CAME TO BE

Matagal nang naimbento ang mga panulat tulad ng lead.

Pero noong 1564, nadiskubre ng mga minero ang malaking deposito ng pure form ng graphite sa Borrowdale, England.

Unang inakala ng mga tao na ito ay lead, kaya hanggang ngayon ay "lead" ang tawag natin sa mineral na content ng lapis.

Subalit maging ang tinatawag na “lead pencil” ay graphite ang gamit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang graphite kasi ay resistant sa moisture, aging, at ultraviolet radiation.

Gayunpaman, maselan ang structure ng graphite, kaya nag-isip ang mga craftsmen ng paraan para makagawa ng lalagyan nito at magamit sa pagsusulat.

Ayon sa history, ang modern pencil—patukoy sa lalagyang kahoy—ay inimbento ni Nicholas-Jacques Conte noong 1795.

Si Conte ay isang scientist na nagsilbi noon sa army ni Napoleon Bonaparte.

Iniinit ni Conte ang pinagsamang graphite, tubig, at clay sa apoy, at kapag naging solido ang mixture, inilalagay niya ito sa kahoy para maging lapis.

Noong mga panahong iyon, hindi pa polished ang shape ng lapis. Ang hugis o dimension nito ay parisukat, polygonal, at pabilog.

Kalaunan, nag-evolve ang lapis. Na-improve ang hugis ng lalagyang kahoy at ang itsura nito ay sa kung paano natin ito nakilala ngayon.

old pencil
This is how an old pencil looked like in the past.
Photo/s: Faber Castell
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
pencil
Eventually, the wood that houses the graphite got more polished.
Photo/s: Wikipedia

Read: MC and Lassy also missing in action at Vice Ganda’s comedy club

HOW THE PENCIL GOT ITS SIGNATURE COLOR

Noong 1790, itinayo ng isang Czech architect, inventor, at entrepreneur na si Joseph Hardtmuth ang kanyang negosyong tinawag niyang Koh-i-Noor.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang pangalang ito ay hango mula sa Koh-i-Noor diamond, isa sa pinakamalaking diamond sa buong mundo.

Isa sa mga produktong ginagawa ng kompanya ni Hardtmuth ay lapis, na sa puntong ito ay gawa sa clay at graphite, ayon sa reports.

Nang maubos ang graphite sa Borrowdale, kalaunan ay nakadiskubre ng bagong source ng quality graphite—sa Siberia.

Kumukuha si Hardtmuth ng supply ng graphite sa Siberia, isang malawak na Russian province na nasa border na rin ng China.

Ayon din sa ibang ulat, naging source din ng quality graphite ang China noong mga panahong iyon.

May ilang reports na nagsasabing nag-source din ng graphite si Hardtmuth sa China.

In short, nagkaroon ng reputasyon na ang premium graphite ay mula sa China o Siberia.

Dahil dito, nakaisip ng paraan si Hardtmuth para mai-market niya ang kanyang produktong lapis bilang primera klase.

Sinamantala ng Czech businessman ang geographic proximity para sa kanyang marketing strategy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinili niya ang color yellow para sa kanyang mga lapis dahil ang dilaw ay kulay ng dugong-bughaw sa China.

Simbolo rin ang dilaw ng nobility at respect sa China.

Isa pa, madali talagang makapukaw ng pansin ang kulay dilaw. Agaw-pansin ito sa mata.

Bukod pa rito, ang inilagay na tatak ni Hardtmuth sa mga lapis niya ay “Koh-i-Noor,” na kilala noon na world-famous diamond sa British Crown Jewel.

Sa madaling sabi, pinagsama-sama ni Hardtmuth ang kulay at ang pangalan para i-suggest ang premium quality ng kanyang produktong lapis.

Ipinakilala ni Hardmuth ang kanyang yellow pencil sa Exposition Universelle na ginanap sa Paris, France noong 1889.

Isa itong malaking fair na dinaluhan ng iba’t ibang entrepreneurs, kaya naman nakilala nang husto sa Europa ang dilaw na lapis.

THE YELLOW PENCIL BECOMES A GLOBAL PHENOMENON

Pero hindi rito nagtatapos ang kuwento.

Dinala ni Hardtmuth ang kanyang yellow pencil sa Amerika.

Nangyari ito sa World’s Columbian Exposition Fair sa Chicago noong 1893. Tulad sa France, pinagkaguluhan ang yellow pencil.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasunod nito, naging global phenomenon ang produktong lapis ni Hardtmuth.

Sa sobrang katanyagan nga nito, kalaunan ay pinalitan niya ang pangalan ng kanyang kumpanya, at ginawang Koh-i-Noor Hardtmuth.

Hindi nagtagal, ginaya na rin ng pencil factories ang mga produkto ni Hardtmuth. Lumikha sila ng lapis na kulay dilaw dahil sa reputasyon nito.

Makalipas ang higit 130 years, nananatiling kulay dilaw ang lapis.

Sa kasalukuyan, nakagisnan na lamang natin ang yellow pencil, subalit ang history nito ay kasingtingkad ng kulay dilaw.

Sources:

  • https://www.artsy.net/article/artsy-editorial-little-known-reason-pencils-yellow
  • https://www.cbsnews.com/news/why-are-pencils-yellow/
  • https://blogs.bl.uk/untoldlives/2019/05/the-history-of-the-pencil.html
  • https://www.colourstudies.com/blog/2021/1/11/yellow-pencils
  • https://www.youtube.com/watch?v=HmRvvJpnGbs

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The pencil's color yellow was intentional. The color has a deep meaning that is tied to history and culture.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results