Ang pangungutang ay nakakatulong, lalo na kung may emergency situation.
Pero kung ang purpose ay para lang sa luho, hindi maganda; kung dahil nakagawian na, hindi tama.
Para maiwasan ito, kailangang maging financially responsible.
Tatalakayin sa artikulong ito ang ilang money habits, base sa rekomendasyon ng mga nasa bank industry sa U.S.
SET A MONTHLY BUDGET, STICK TO IT
Usually, nagkakaroon ng utang dahil gasta lang nang gasta at walang naka-set na budget.
Kailangang klaro sa utak kung ano ang mga pinagkakagastusan—ano ang mga "needs" at mga "wants."
Pasok sa needs ang mga bills, transportation, pagkain, at grocery items.
And no matter what happens, sapat dapat ang perang nakalaan dito.
Yung "wants" ang panira sa budget.
Anu-ano yung mga pinagkakagastusan mo every month na makaka-survive ka naman kahit wala sila. Ilista lahat and make a mental note na you will only buy them if you have extra budget.
Magkano lang ba ang dapat gastusin para sa wants? Kasi hindi ka puwedeng uminom ng milk tea araw-araw kung ang extra budget mo ay para sa isang milk tea lang kada linggo.
Spending more on wants is not a good habit.
IIan sa mga artista ay tinatawag itong reward. After a huge project, lalo na kung may bonus, they buy something they want.
Least priority ang wants, unless, nakakaluwag-luwag ka na.

And even if you have the money, i-apply ang 24-hour rule—which means, palipasin muna ang isang araw bago magdesisyong bilhin ang isang bagay.
Kapag nawala ito sa isip mo after 24 hours, do not buy it.
Madalas kasi, impulsive purchase ang nagiging dahilan ng hindi planadong utang.
Read: Tips para maiwasan ang impulse buying
SAVE, SAVE, SAVE
SET A FINANCIAL GOAL
Una sa lahat, kapag may regular income ka, dapat magtabi ng pera para sa savings.
Mas maganda kung may financial goal ka at realistic time frame.
Halimbawa, pag-iipunan mo ang downpayment for a condo unit.
This is a good goal kasi, in the long run, it will remove a major item sa list of monthly spending.
Now, do the math.
Magkano dapat ang amount para when you already live in the condo unit, your monthly ammortization will be the same as your monthly rent?
Kaya bang ma-reach ang goal within one year given your salary and expenses?
The idea here is, you stick to your budget para maiwasan ang pangungutang.
SAVE FOR AN EMERGENCY FUND
Imbes mangutang for unexpected expenses gaya ng hospital bill, car repair, o pagpapaayos ng bubong ng bahay, dapat may ipon ka na puwedeng gamitin when the need arises.
If sakto lang ang suweldo mo, your budget should have an amount for your needs and savings, not wants.
Example, if nakakabili ka ng milk tea araw-araw, pero hindi ka nakapagtatabi ng pera, hindi magandang habit ito.
Read: Here are energy-saving hacks to reduce electricity bills
AUTOMATE YOUR SAVINGS
I-set up ang auto-debit mula sa salary account papunta sa savings account mo tuwing payday.
Kahit maliit na halaga lang—PHP500 o PHP1,000—automatic na mapupunta ito sa ipon kesa magastos mo.
Track your expenses
Maging conscious pagdating sa paggastos ng pera.
Gumamit ng notebook, spreadsheet, o money-tracking app para i-log lahat ng gastos—mula sa pamasahe hanggang sa kape.
Sa ganitong paraan, malalaman mo kung saan ka nag-overspend at ano ang puwedeng i-cut kesa mangutang ka.
USE CREDIT CARD TO YOUR ADVANTAGE
Ito ay utang na may pakinabang because it delays your payment for a month.
May zero-percent installment din sa iba't ibang stores at establishments, so it can actually help you stick to your budget.
Gamitin ang credit card sa mga essential items.
And most importantly, pay the amount due on time.
Credit card becomes literal na utang if you fail to do this. Bukod sa mayroong interest, may late finance charge kapag nagbayad ka after the due date.
References:
- Website ng Central Trust Bank, isang bangko sa Midwest USA na may 140 branches.
- Better Money Habits, educational medium for finance ng Bank of America