PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Harvard Law School honors first female graduate, a Filipina

Meet Erlinda Ignacio Espiritu, a Filipina & 1st female law graduate of Harvard.
by Bernie V. Franco
Published Mar 20, 2025
Erlinda Ignacio Espiritu
Harvard University Law School takes to Instagram and posts about its first-ever female law degree holder—a Filipina. Know more about Erlinda Ignacio Espiritu.
PHOTO/S: Harvard Law School via Instagram

Isang post ng Harvard University ang nakapukaw ng atensiyon ng netizens, partikular ang mga Pilipino.

Ginawa ang post noong March 9, 2025, sa official Instagram account ng law department ng Harvard University, isang Ivy League institution na nasa Cambridge, Massachusetts, U.S.A.

Ang post ay tungkol sa kauna-unahang babaeng nagtapos ng degree sa Harvard Law School (HLS). Siya ay si Erlinda Arce Ignacio Espiritu, isang Pilipina.

Kalakip sa caption ang ilang impormasyon ukol kay Erlinda na nagtapos ng Master of Laws (LL.M.) sa HLS noong 1951.

Nakasaad dito na na-inspire si Erlinda na kumuha ng abogasya dahil sa alamat ng Knights of the Round Table.

Tumutukoy ito sa knights ni King Arthur na tagapagtanggol ng kaayusan sa kaharian.

“The knights were always defending the defenseless, and I thought, how could I do that?” quoted si Erlinda ng HLS.

Noong 1947, nagtapos siya ng abugasya sa Pilipinas, na noon ay panahon ng World War II.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“In 1951, she became the first woman to receive a degree from Harvard Law School,” post ng Harvard sa IG.

Taong 2007, tumapak muli sa HLS ang noon ay 82 anyos na si Erlinda makalipas ang 55 taon mula nang magtapos siya roon.

Naging bisitang pandangal siya sa isang LL.M. dinner.

Sa kanyang speech, pinasalamatan ni Erlinda ang Harvard para sa “opportunity to learn well, not only in the matters of law but in improving the lives of our fellow men.”

Pagtatapos ng post: “After her speech, many recent LL.M. graduates flocked to her table to thank her for blazing a trail for them.”

Ang post ay may kalakip na hashtag na #InternationalWomensDay, na pagkilala sa mga kababaihan tulad ni Erlinda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: How often should you wash your towel?

WHO IS ERLINDA ESPIRITU?

Nailathala rin ang success story ni Erlinda na mababasa sa Harvard University website noong 2007.

Ibinahagi rito na si Erlinda ay mula sa Mindoro at anak ng four-term governor doon. Ang kanya raw mga tiyuhan ay mga abogado.

Nabuhay si Erlinda sa panahong ang mga babae ay ikinakahon bilang maybahay.

“Women were supposed to stay at home, and even if they were studying, they were studying to teach,” ani Erlinda.

Sa kabila nito, nagpursige si Erlinda na makapagtapos ng abugasya.

Hindi naging madali ang journey niyang ito.

Noong nag-aaral siya ng law sa Manuel L. Quezon School of Law sa Maynila, nakilala niya ang kanyang future husband, si Benjamin Espiritu.

Pero isang kondisyon ang ibinigay kay Erlinda ng kanyang pulitikong ama: ang kumuha si Erlinda ng postgraduate year sa U.S.

Hindi sinuway ni Erlinda ang ama, pero siya man ay nagbigay ng kondisyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“I told my father, if he wanted me to study abroad, I would go—provided it would be at Harvard Law School.

“At that time, I knew Harvard Law accepted only male students.”

Tila pinaburan ng tadhana si Erlinda dahil nang magsumite siya ng application, nalaman niyang tinanggal na ng Harvard ang polisiya nitong hindi tatanggap ng mga babaeng kumukuha ng kursong law.

Kaya’t nakapasok si Erlinda sa Harvard Law School.

Naging mahirap ang adjustment ni Erlinda dahil hindi siya namulat sa American life, at naging mahirap ang pag-unawa sa paraan ng pananalita ng Americans.

Pero kalaunan ay naka-adapt si Erlinda at malaki ang pasasalamat niya sa kanyang mga naging guro. Natuto raw siya sa kilalang eskwelahan pagdating sa pag-iisip.

Nang makalahati na ni Erlinda ang kanyang LL.M. year, nag-enroll din ng parehong postgraduate course si Benjamin, na nagtapos naman noong 1952.

Nagpakasal ang dalawa sa Cambridge at bumalik sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makalipas lamang ng dalawang taon mula nang makabalik ng bansa, pumanaw si Benjamin sa sakit na leukemia. Naiwan niya si Erlinda at ang kanilang two-month-old baby boy.

Read: What you need to know about Pag-IBIG Fund's MP2 Savings Program

ERLINDA IGNACIO ESPIRITU, LAWYER

Inakala raw ng pamilya ni Erlinda na hindi niya kakayanin ang pagpanaw ng asawa.

Pero kumapit si Erlinda, na isang debotong Katoliko, sa kanyang pananampalataya.

“I always think of it that the Lord has his reasons,” aniya.

Iniwan ni Erlinda ang kanyang anak sa kanyang pamilya at ipinaalaga sa kanila ito. Siya naman ay lumuwas sa Maynila at nagtrabaho bilang corporate legal counsel sa isa sa pinakamalaking land developers sa Pilipinas.

Noong 1959, nagsilbi siyang abogado ng isang inmate na hinatulan ng kamatayan sa salang pagpatay sa isang kapwa inmate.

Naniwala si Espiritu na inosente ang kanyang kliyente, subalit sa huli ay hinatulan pa rin ito ng kamatayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi sumuko si Erlinda at umapela sa Court of Appeals.

Nagbunga ito. Bago tuluyang ipataw ang parusang death penalty sa kanyang kliyente, ihininto ito ng noon ay Pangulong Carlos P. Garcia.

Noong mga dekada '60, iniwan ni Erlinda ang kanyang karera sa Maynila at umuwi sa Mindoro.

Nagsilbi siya roon bilang presidente ng rural bank ng kanyang pamilya sa loob ng higit tatlong dekada.

Tinulungan niya ang mahihirap makapagpatayo ng negosyo, bahay, at mapag-aral ang mga anak.

Para sa mga nangangailangan, ibinigay niya ang kanyang serbisyo bilang abugado pro bono. Ibig sabihin, nang libre.

Sumailalim siya sa surgery upang magamot ang kanyang brain cancer noong May 2006.

Noong 2007, nang siya ay 82 taong gulang, muli ngang tumapak si Erlinda sa Harvard Law School.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Harvard University Law School takes to Instagram and posts about its first-ever female law degree holder—a Filipina. Know more about Erlinda Ignacio Espiritu.
PHOTO/S: Harvard Law School via Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results