PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Movie producer Maricar Santos speaks up on "matrona" issue with Joross Gamboa

Maricar is also the producer of Celebrity Boxing.
by Roldan Castro
Published Mar 14, 2009
"Mukha ba akong matrona? Pag nagko-coffee kami, nagbabayad siya. Hindi siya tipo ng lalaki na umaasa sa babae. Wala sa image niya yung magkaroon ng sugar mommy," says Maricar Santos of Joross Gamboa. The acting newcomer and lady producer is being linked to Joross. He is one of the actors in Pasang Krus, the movie which Maricar is producing.

Nagsalita na ang natsitsismis na "matrona" diumano ni Joross Gamboa na si Maricar Santos, producer ng Japan-Philippines Entertainment, Inc. at ipinakikilala bilang aktres sa pelikulang Pasang Krus. Nagsimula ang pag-link sa kanila nang mamataan silang nagde-date ng ilang press.

"Mukha ba akong matrona?" panimula ni Maricar nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Pag nagko-coffee kami, nagbabayad siya. Hindi siya tipo ng lalaki na umaasa sa babae. Wala sa image niya yung magkaroon ng sugar mommy," paglilinaw ni Maricar na ang edad ay nasa late 20's pa lang.

Dumalaw ang PEP sa dubbing ng Pasang Krus sa Scenema Concept. Bida sa naturang pelikula ang sexy actress noon na si Rosanna Roces. Ito rin ang pelikulang muling pagsasamahan ng dating matinee idol na si Jao Mapa at Osang na huling nagkapareha sa pelikulang Matrikula. Tuloy, tinutukso si Maricar na tila "foursome" daw yata sina Osang, Jao, Joross at Maricar. Tinawanan lang ito ng lady producer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi naman kami nagkasama-sama sa shooting, e! Wala namang influence sa isa't isa na si Osang kay Jao, ako naman kay Joross," paglilinaw niya na natatawa .

"Hindi naman mahirap mahalin si Joross. Mabait siya. Pero aware ako na na may girlfriend siya at alam din niya na may boyfriend ako. Nabibigyan lang kami ng malisya, pero trabaho muna. Hindi naman kasi nalalayo si Joross sa edad ko kaya hindi ako makatulog pag sinasabi nilang matrona ako ni Joross. Naaapektuhan talaga ako," reaksyon pa niya.

Sa darating na premiere night ng Pasang Krus sa March 30 sa Cinema 10 ng SM Megamall, Mandaluyong City, ay makikita na bata pa si Maricar, flawless ang kutis at maganda. Hindi nga maiisip na siya yung producer na tipong may edad na. Pero dahil sa pag-link sa kanila, hindi kaya ma-develop sila ni Joross sa isa't isa?

"Ayokong magsalita nang tapos. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari, di ba? Binura ko nga ang [cell phone] number niya, e! Iniiwasan ko siyempre. Nakakatakot, e! May gilfriend siya. May boyfriend ako," pagtatapat ni Maricar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero kung hahantong nga sa pagkaka-develop ng feelings, puwede kayang magkaiwanan ng boyfriend at girlfriend?

"May ganoong factor? Ha-ha-ha!" natawa na lang uli si Maricar.

Naikuwento ni Maricar na kaya siya pumasok sa movie production ay dahil sa anak niyang gustong mag-artista. Nakakalungkot lang na wala na ang anak na ito ni Maricar dahil sa isang aksidente. Nang mabanggit ang anak niyang ito ay biglang naluha at nalungkot si Maricar. Kaya minabuti na lang naming idako ang usapan sa star ng Pasang Krus na si Rosanna Roces.

"Choice ko siya talaga. Kaming dalawa ni Direk Buboy [Tan] ang may gusto sa kanya. Ibang Osang ang mapapanood dito. Nagpapako pa siya sa krus. Ako talaga ang ninerbiyos. Para siyang si Lolita Rodriguez umatake ng acting. Ito talaga ang pelikulang magpapabalik sa kanya at hindi na siya maghuhubad.Gusto ko dire-diretso na siya kasi magaling naman siyang artista. Mark my word, magkaka-award siya sa pelikulang ito," mabigat na statement ni Maricar.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Halos lahat ng kababaihan ay tatamaan sa pelikulang ito. Pareho kaming nakaka-relate ni Rosanna. Iiyak ka talaga. Yung mga anak, siguradong mamahalin nila ang mga magulang nila pag napanood ang Pasang Krus," bulalas pa ng lady producer at acting newcomer.

Maganda rin daw ang working ralationship niya with Osang. Hindi sumakit ang ulo nila sa aktres. "Napaka-cooperative niya, sobra. Kaya lahat gagawin ko para makabalik siya. Sobrang bait ni Osang. Napaka-down-to-earth. Makikita mo sa kanya na meron siyang character talaga," aniya.

Kasama rin sa movie sina Empress Schuck, Ketchup Eusebio, Beejay Morales, Melissa Mendez at Christian Burke. Ito ay sa direksyon ni Buboy "Neal" Tan. Showing na ang Pasang Krus sa April 1.

Bukod sa Pasang Krus, producer din si Ms. Maricar ng Celebrity Boxing. Mapapanood ito sa Channel 9 sa May 23. Hosts ng show sina Carlos Morales at Kat Alano. Nakatakdang maglalaban-laban dito sina Rob Sy of Survivor Philippines fame, Emilio Garcia, Rico Barrera, Juddha Paolo, Rico Robles, Ryan Eigenmann, Chad Peralta at Michael Flores. Ito ay mula sa direksyon ni Richard Arellano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Mukha ba akong matrona? Pag nagko-coffee kami, nagbabayad siya. Hindi siya tipo ng lalaki na umaasa sa babae. Wala sa image niya yung magkaroon ng sugar mommy," says Maricar Santos of Joross Gamboa. The acting newcomer and lady producer is being linked to Joross. He is one of the actors in Pasang Krus, the movie which Maricar is producing.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results