Katumbas ng ilang nakaka-disappoint na pangyayari sa kanyang pagiging producer-director nitong nakalipas na taong 2008 ay ang mga bagay na lubos ding ipinagpapasalamat ni Brillante "Dante" Mendoza, kaya masaya ang naging pagsalubong niya sa taong 2009.
"Sobrang dami ng blessings, na hindi mo maiisip na puwedeng mangyari yung gano'n in a year," sabi ng award-winning movie director nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanyang tahanan sa Mandaluyong City.
CELEBRATED INDIES. Taong 2007 nang matapos at itanghal, locally and internationally, ang dalawang pelikulang digital ni Direk Dante: Foster Child ng Seiko Films at Tirador ng Centerstage Productions. Kapwa celebrated indies ang mga ito. Naitanghal sa Cannes Filmfest (Director's Fortnight) ang Foster Child. Ang Tirador nama'y nailibot sa iba't ibang filmfests abroad. Pareho ring nanalo ng mga parangal, among others, bilang Best Picture at Special Jury Prize (sa Osian Cinefan ng India at Marakkech Filmfest, sa Morocco, respectively).
Locally, nanalong best director si Brillante sa Gawad Tanglaw (academe-based, for Foster Child), at sa 31st Urian Awards '08 ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino para sa Tirador.
Wala sa bansa si Direk Brillante nang manalo sa Urian para sa Tirador. Fivemajor wins, kabilang ang Best Picture at lead performance ni Cherry Pie Picache.
Sa mga unang buwan ng 2008, tinapos ni Direk Brillante ang Serbis, na napiling entry ng ating bansa sa prestigious Cannes International Film Festival (Main Competition), sa buwan ng Mayo. From then on, there was no stopping Serbis sa pag-compete nito at pananalo ng awards in filmfests abroad; for one, dito nanalong Best Actress si Gina Pareño, sa Vladivostok, Russia.
"Nagkasunud-sunod...tatlong pelikula, one after the other." Direk Dante just couldn't contain his happiness at the thought, kaya gano'n na lang ang kanyang pasasalamat.
Hindi naman daw siya naninigurong laging ganito ang mangyayari, although may maganda siyang track record sa ngayon bilang direktor ng mga pelikulang pawang acclaimed internationally—from Masahista (2005) to Kaleldo (2006) and Manoro (2006); from Foster Child and Tirador (2007) to Serbis (2008).
"Mahirap magsabi. Ang importante, gawin mo nang maayos, nang tama..." sabi pa niya, referring to any movie project na sinimulan, o nakatakdang simulan.
"Kaya nga ayaw ko munang ikuwento yung ano ko..." sabi ni Direk Brillante, pagtukoy sa bago niyang movie project (a digital indie). "Ayoko ng masyadong maraming fanfare. Gusto kong mag-stay put, kaya kinansel ko muna yung mga trips ko nung December."
Tungkol sa bagong project; action-drama thriller ito na may working title na Chop-Chop at pagbibidahan, supposedly, ng isang beteranang sexy actress at isang award-winning young actor. Ayaw pang i-confirm ng director-producer ang final main cast. Under negotiation at nasa pre-production stages pa rawang pelikula.
"Ibang klaseng genre [action-drama thriller]. Baka ito lang ang gagawin ko this year," banggit ng direktor.
INTERNATIONAL FILMFESTS. Tulad sa nakagawian na rin niyang pag-attend ng mga international filmfest, walang masyadong pagbabago sa taong ito, as far as direk Dante is concerned.
Sa January 30, he leaves for New York para sa commercial run ng Serbis, na nag-premiere sa prestigious Museum of Modern Art last October. He will proceed to The Netherlands para sa Rotterdam International Film Festival (non-competition entry).
Sa February naka-schedule tapusin ang Chop-Chop, before Dante leaves for Mexico to again sit as a filmfest jurist.
Bukod dito, naibalita niyang naging brisk ang sales ng mga unang kopya ng Tirador (Slingshot) when released first week of December last year. Soon, ang Serbis naman ang ire-release on video, sa version na hindi ipinalabas sa local theaters.
TOUGH STRUGGLE? Totoo nga bang nagkaroon ng "tough struggle" ang Serbis, for some kind of support, mula sa mga ahensiya ng gobyerno, tulad ng Film Development Foundation of the Philippines (FDFP) o ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA)?
Direk Brillante chooses to neither confirm nor deny what has been circulating for some time: that,in terms of added financial reward, matapos mapiling main competition entry ang Serbis, sa isang pangunahing filmfest abroad, Dante's group got only a small fraction of the supposed P2M incentive. This was even smaller, so we heard, than what producer Robbie Tan received as incentive, para sa Foster Child which made it to the Director's Fortnight, a non-competitive section of Cannes, 2007.
Kakulangan ng pondo ng ahensiya ang diumano'y rason kung bakit "shortchanged" ang grupo nina Direk Brillante na dumalo sa Cannes Filmfest. Bukod pa ito sa natamong pagbatikos sa pelikula, ng ilang sektor ng local press, bagamat pinuri ng mga banyagang kritiko at taga-media—partikular sa Europa—ang pinakahuli niyang obra.
Whatever, the award-winning director says he's humbled by the experience
and promised never to expect again from anybody or any institution—pampamahalaan man o pribadong sektor.