PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rufa Mae Quinto wants to have something "serious" with Jon Avila

Rufa Mae can't exactly tell the level of her relationship with Jon.
Published Jan 2, 2009
"Kay Jon naman, ang gusto ko sa amin, if ever lang ha, hindi lang yung basta crush-crush or basta lang yung type ko lang. Gusto ko kasi sa amin, yung something na pang-serious talaga," says Rufa Mae Quinto about Jon Avila.

Pagkatapos ng kanyang napakaraming failed relationships, feeling daw ni Rufa Mae Quinto ay mas open na siya ngayon sa kahit sinong lalaki na nagugustuhan niya. Ito ang sinabi ng sexy comedienne sa presscon ng Desperadas 2 kahapon, December 15, sa Imperial Palace Suites.

Katuwiran ni Rufa Mae, "Basta ako, kung crush ko ang isang tao, bilib ako, sinasabi ko na. Ayoko na ng kahihiyan ko... Naku, kagaya ni Jay-R, sinasabi ko sa kanya na, ‘Alam mo, Jay-R, fan na fan mo ako!' Grabe ang boses niya. Crush na crush ko talaga ang boses niya."

Kay Jon Avila ba, nasabi na rin niya yun?

"Hindi nga, e!" natatawa niyang sagot. "Kay Jon naman, ang gusto ko sa amin, if ever lang ha, hindi lang yung basta crush-crush or basta lang yung type ko lang. Gusto ko kasi sa amin, yung something na pang-serious talaga. Serious naman palagi. Pero hanggang kaya mong itama ang lahat ng gusto ko... Well, treinta na kasi ako, kaya dyusko naman, tapos na yung mga crush-crush na ganoon-ganoon lang! Gusto ko talaga, kung magugustuhan niya ako, yung hindi pinilit. Kasi, madali lang naman. Text-text lang, dalaw..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang Kapuso si Rufa Mae, pero kapansin-pansin na halos lahat ng mga nauugnay sa kanya ay mga Kapamilya stars—gaya nina Jon, Erik Santos, at Sam Milby.

"Oo nga, e!" tawa niya ulit. "Baka naman kasi nakukyutan sa akin! E, siguro kasi yung mga ka-batch ko, may mga dyowa na, may mga girlfriend. So, mga bagong batch ang single!

"At saka si Jon naman, hindi naman superbagets, e. Kasi yung iba, mas bata. At saka foreigner kasi si Jon at may Filipino blood. Yun ang maganda, yung mahal niya ang Philippines. Talagang tinitiis niya... I mean, dito niya talaga gusto. Nagsusumikap na mag-aral ng Tagalog. I mean, natuwa ako sa kanya run, ha."

Hindi itinanggi ni Rufa Mae na nakakalabas na sila ni Jon, bukod pa sa regular raw nilang tawagan. So, anong level na nga ba meron sila ni Jon ngayon?

"Siguro...hanggang ilang level ba? Mga six... For me... Ay, five na lang! Ay, eight, eight!" pabago-bago niyang sagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Baka naman kasi 10 na pala?

"Ay hindi, 10 yung kami na!" natatawa pa rin niyang sabi.

Nasa period pa rin daw silang nagkakahiyaan ni Jon.

"Actually, mabait siya, pero may pagkamakulit din kapag close na kayo. Pero kami, hindi, parang serious kami. Minsan nga, sinasabi ko nga, ‘Tumawa ka nga!' E, siya kapag tumawa, masyadong stiff, so inalog-alog ko nga!" natatawa niyang kuwento.

Feeling daw ni Rufa Mae, dapat ligawan din siya ni Jon kaya hindi pa raw sila.

"Tama ba yung feeling ko?" tawa niya. "Pero, di ba, kailangan ipakita niya? Yun lang. Pero lahat naman ng sinasabi niya, lahat yun... Kasi, introvert siya. Nag-usap kami at sinabi nga niyang ‘I need someone na extrovert.' E, madaldal ako, di ba? Yun."

Nang makausap naman ng PEP si Jon sa hiwalay na pagkakataon, nabanggit nito na naikuwento niya kay Rufa Mae ang tungkol sa kinahinatnan ng last relationship niya. Totoo ba ito?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ani Rufa Mae, "Oo, kasi sabi ko, inuna ko na... Di ba, lahat tayo may dream? Yung Civil Status [her movie with Jon], gusto ko naman comedy na may love. Kasi feeling ko, 30 years old na ako, e. Tumbling na ako nang tumbling magmula ilang taon pa lang ako, hanggang ngayon. Siyempre, lahat tayo may dream, di ba? Kaya sabi ko sa kanya [Jon], ‘Kaya ikaw, gusto kong kasama kasi may feelings.'

"Pero hindi naman ibig sabihin na gusto ko na siyang...kung anumang malisyang ano. Okey lang, basta work is work din. At saka, ako rin, wala sa akin yung Kapamilya, Kapuso. Kahit ano, mahal ko naman lahat, nakatrabaho ko halos ang lahat," pagtatapos ni Rufa Mae.
Read Next
Read More Stories About
Rufa Mae Quinto
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kay Jon naman, ang gusto ko sa amin, if ever lang ha, hindi lang yung basta crush-crush or basta lang yung type ko lang. Gusto ko kasi sa amin, yung something na pang-serious talaga," says Rufa Mae Quinto about Jon Avila.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results