"Love is the universal language that transcends countries, borders, barriers, and differences."
Totoo ang kasabihang ito maging sa makulay na mundo ng show business.
Sa katunayan, marami sa local showbiz personalities ang romantically involved sa mga banyaga, at kabilang dito ang Europeans.
For starters, nandiyan ang aktres na si Ellen Adarna na kasal sa British-Filipino actor-model na si Derek Ramsay, ang aktor na si Richard Gutierrez na asawa ang Swiss-Filipino actress na si Sarah Lahbati, at ang actress-model na si Anne Curtis at ang kanyang Filipino-French husband na si Erwan Heussaff.
Bukod sa mga nabanggit, marami pang ibang Pinoy showbiz personalities na nakatagpo ng pag-ibig sa piling ng European nationals.
Georgina Wilson at Arthur Burnand
Walong taon nang magkakilala sina Georgina Wilson at Arthur Burnand bago sila naging magkasintahan.

Early 2015 nang mag-krus ang landas ng dalawa sa Australia. Doon nagsimula ang maganda nilang pagtitinginan na nauwi sa engagement nung Oktobre ng taon ding iyon.
“When I was with him, I was like, ‘Oh my God, this is the guy I am going to marry!'” kuwento ni Georgina sa Preview.
Ikinasal sina Georgina at Arthur, na isang British businessman at hotelier, nung April 30, 2016, sa Winchester, England.

Ang Winchester ang homeland ni Arthur at dito rin siya nag-propose kay Georgina.
Biniyayaan ang pagsasama nina Georgina at Arthur ng tatlong anak.
Read: Why Georgina Wilson allows six-year-old son Archie to fly by himself
Lovi Poe at Monty Blencowe
June 2019 nang opisyal na ipakilala ni Lovi Poe sa publiko ang British boyfriend na si Monty Blencowe.

"Hat date to the races,” caption ni Lovi sa kanyang Instagram post na may kasamang larawan nilang dalawa ni Monty na kuha sa Royal Ascot horse racing event sa Ascot, Berkshire, England.
Tahimik ang naging relasyon nina Lovi at Monty, at naging matatag ang dalawa sa kabila ng kanilang long-distance relationship.
August 8, 2023 nang ibalita ni Lovi na engaged na sila ni Monty “for a couple of years.”

Kinasal sina Lovi at Monty noong August 26, 2023 sa Cliveden House, isang magarbong country house sa England.
Read: Lovi Poe to Monty Blencowe: "I want this life with you and I'm going to make it work"
Iza Calzado at Ben Wintle
“Heartbroken” — ganito inilarawan ni Iza Calzado ang kanyang kalagayan noong makilala niya ang British entrepreneur na si Ben Wintle taong 2011.

Nasa proseso ng pag-move on si Iza noon matapos magwakas ang two-and-a-half years relationship nila ng businessman na si Atticus King.
Read: Iza Calzado wants to be a ninang of ex-boyfriend Atticus King's baby
Perfect timing ang pagdating ni Ben dahil, at that time, bukas na ulit si Iza sa posibilidad na makipag-date.
Ang mutual friend ng dalawa na si Isabelle Daza ang naging tulay para pormal na magkakilala sina Iza at Ben.
Humirit daw si Ben na hahanapin niya na lang si Iza sa Facebook para muli silang magkaroon ng komunikasyon.

“He was acting na parang not so interested in me kunyari,” kuwento ni Iza.
“Sabi ko sa kanya noon, ‘Really? Why don’t I just give you my number now?’ Ayoko ng paligoy-ligoy pa! Ito na, e! Bakit mo pa papahirapan?”
Limang taon na naging magkasintahan sina Iza at Ben bago magpakasal noong December 19, 2018 sa Club Paradise sa Coron, Palawan.
Read: THE WEDDING ALBUM: Iza Calzado & Ben Wintle
Noong January 26, 2023 ay nagsilang si Iza ng anak na babae na pinangalanan nilang Deia Amihan.
Read: Iza Calzado, inilahad kung bakit Deia Amihan ang pangalan ng anak
EUGENE DOMINGO AT Danilo Bottoni
Unang nagkaharap ang komedyante na si Eugene Domingo at Italian film critic na si Danilo Bottoni sa Udine Far East Film Festival sa Udine, Italy.

Kalahok ang pelikula ni Eugene na Barber's Tales sa nasabing festival.
Kuwento ni Eugene, "I was alone. I was exhausted in general, in life. I was already surrendering a life of, like, you know, being single, or maybe I could enter the convent, yun yung iniisip ko.
"Then, all of a sudden, he appeared in front of me, and I was scared because baka, you know, baka stalker or something."
Humiling ng interview si Danilo kay Eugene, at dito unang nakaramdam ng atraksyon ang komedyante sa banyagang film critic.
"Nagandahan ako sa mata niya. Tapos nakita ko na ang guwapo niya na parang nagising ako. Namulat ako, ganyan."

Nang makabalik sa Pilipinas ay si Eugene naman ang nag-reach out kay Danilo at nagtuluy-tuloy na ang kanilang komunikasyon.
Read: Is Eugene Domingo married to Italian partner?
Sa Fast Talk with Boy Abunda noong May 3, 2023, "my husband" ang tawag ni Eugene when referring to Danilo, pahiwatig na sila ay kasal at mag-asawa na.
Read: Eugene Domingo, kinumpirmang kasal na siya kay Danilo Bottoni
ISABELLE DAZA AT ADRIEN SEMBLAT
From friends to lovers ang istorya ng model-host na si Isabelle Daza at French business executive na si Adrien Semblat.

“Belle was in a group of beautiful women when I first saw her, but she was the one I was most captivated by,” kuwento ni Adrien sa Tatler.
Taong 2008 nang unang magkakilala ang dalawa sa tulong ng isang mutual friend.
Pitong taon naging magkasintahan sina Isabelle at Adrien.
Nagpakasal sina Isabelle at Adrien sa Tuscany, Italy noong September 10, 2016.

Sa ngayon ay meron na silang tatlong anak at kasalukuyang naka-base sa Hong Kong.
Read: Isabelle Daza gives birth to baby girl
BIANCA KING AT RALPH WINTLE
Unang nagtagpo ang aktres na si Bianca King at Ralph Wintle sa kasal nina Iza Calzado at Ben Wintle noong December 19, 2018.
Magkapatid sina Ralph at Ben.

“When he was giving his speech [at the reception], he's so eloquent and he's so well written, he's so funny, so good looking. Sabi ko, that's my next boyfriend,” kuwento ni Bianca nang mag-guest sa Updated with Nelson Canlas.
Read: Bianca King posts photo with rumored boyfriend Ralph Wintle on Instagram
Ginulat ni Bianca ang publiko nang mag-post ito sa Instagram noong June 4, 2021, announcing her marriage with Ralph in Australia.
“Married in our living room," caption ni Bianca.
Read: Bianca King at Ralph Wintle ikinasal sa mismong living room nila

Masaya namang ibinalita ni Bianca noong August 20, 2022 na buntis siya at nasa ika-15th week na ng kanyang pregnancy.
Read: Bianca King is pregnant; reveals "long" and "not easy" journey
Inanunsyo ni Bianca sa Instagram noong March 29, 2023 na siya ay nanganak na.
Read: Bianca King gives birth; shares glimpse of newborn baby's face
ATE GLOW AT MR. HAMPSHIRE
Naging laman ng balita si Ate Glow, Rene Boy Facunla sa tunay na buhay, matapos magpakasal sa kanyang British boyfriend noong Hunyo 2016.

Naganap ang kasal sa Chelsea Registry Office sa London, United Kingdom.
Read: PEP EXCLUSIVE. Ate Glow: "Pag nagmahal ka, walang kasarian yun."
Taong 2013 nang magkakilala ang dalawa habang nagbabakasyon sa London si Ate Glow, na sumikat dahil sa kanyang impersonation kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
"I met him in London last year when I visited my best friend. Nakita niya ako sa Facebook ng friend ko kaya nako, thank you Mark Zuckerberg [Facebook founder] at nang dahil sa Facebook nagkaroon ako ng love life," sambit ni Ate Glow sa programang Tunay na Buhay noong 2014.
Hindi pinangalanan ni Ate Glow ang kanyang asawa. Ngayon, si Ate Glow ay kilala na bilang Mrs. Hampshire.
CINDY KURLETO AT DANIEL JOSEPH NAVALIA
Kasal ang former actress-host at model na si Cindy Kurleto sa Barbadian British businessman na si Daniel Joseph Navalia.

Nag-quit si Cindy sa showbiz noong 2007 matapos makaranas ng depression sanhi ng health problems, kabilang ang hormonal imbalance, dahil sa hectic niyang work schedule.
Read: Cindy Kurleto denies Vic Sotto courted her; reveals she left Jericho Rosales for her husband
For a time ay nanirahan sina Cindy at Daniel sa Peru, South America. Dito rin isinilang ni Cindy ang unang anak nila ni Daniel.
BANGS GARCIA AT LLOYD BIRCHMORE
Ikinasal ang Kapamilya actress na si Bangs Garcia sa British-Filipino businessman na si Lloyd Birchmore sa England nung 2016.

Bukod dito ay nagpakasal din ang dalawa sa isang church wedding at beach ceremony na ginanap sa Boracay noong 2017.
Sa kasalukuyan ay based na sa United Kingdom si Bangs kasama si Lloyd at ang kanilang dalawang anak na sina Amelia at Isabella.
Read: Here's what Bangs Garcia's figure looks like two months after giving birth
PIA WURTZBACH AT JEREMY JAUNCEY
June 2020 nang ilunsad officially nina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Scottish-Colombian entrepreneur Jeremy Jauncey ang kanilang relasyon sa paglabas sa cover ng Tatler Philippines.

Read: Pia Wurtzbach shares story behind her iconic royal blue gown at Miss Universe 2015 pageant
Bukas sa publiko ang relasyon nina Pia at Jeremy, at nasaksihan ng marami ang kanilang buhay bilang magkasintahan, kasama na rito ang kanilang mga travel adventures.
Noong May 6, 2022, masayang ibinalita nina Pia at Jeremy ang kanilang engagement.

Ikinasal ang dalawa sa isang luxury resort sa Seychelles noong March 24, 2023.
Read:
Pia Wurtzbach and Jeremy Jauncey already married
LIE REPOSPOSA AT PAUL JOSHUA MARSDEN
December 2022 nang isapubliko ni Pinoy Big Brother alumna Lie Reposposa ang kanyang romantic relationship sa Briton na si Paul Joshua Marsden.

Ayon kay Lie, sa Instagram niya nakilala si Paul matapos niya i-like ang Instagram Story nito, "para may first move, ganon."
Read: Ex-PBB housemate Lie Reposposa admits making the first move on British fiancé
Dagdag ni Lie, “Tapos, sabi niya sa akin, nakita niya yung profile [picture] ko, maganda daw kaya pinindot niya din daw.
“Tapos, hindi ko siya finollow, kaya siya yung nag-follow sa akin.
“Tapos, hineart niya lahat ng mga post ko. Tapos nun, e, di nag-Story din ako, tapos nun chinat niya ako, ‘You look so beautiful.’”
Sa kabila ng mga intriga ay going strong pa rin ang relasyon ng dalawa.
Read: Netizens accuse Lie Reposposa of cheating on British fiancé
Nitong August lang ay nagkita at nagkasama ang dalawa sa Thailand.
"I'll choose you, always," sweet na pahayag ni Paul as caption sa kanyang Instagram post.
Read: Lie Reposposa reunites with British boyfriend Paul Joshua Marsden in Thailand
KALADKAREN AT LUKE WRIGHTSON
“Sa love, minsan kailangan mo lang maniwala."
Iyan ang nasabi ni impersonator-turned-host Kaladkaren, Jervi Li sa tunay na buhay, sa Instagram kasabay ng anunsyo na engaged na sila ng kanyang British boyfrend na si Luke Wrightson.

Nagkakilala ang dalawa noong 2012.
Aliw na aliw naman ang mga followers ni Kaladkaren tuwing magpu-post ito ng mga pictures nila ni Luke na kuha sa kanilang mga travels.
Read: Kaladkaren, fiancé Luke Wrightson celebrate 10th anniversary: "#LoveWins"
BELA PADILLA AT NORMAN BEN BAY
Nakilala ng aktres na si Bela Padilla ang Swiss boyfriend nito na si Norman Ben Bay sa St. Gallen sa Switzerland noong 2017.

Kasalukuyang ginagawa ni Bela noon ang pelikulang Meet Me in St. Gallen katambal ang aktor na si Carlo Aquino.
Bulalas ni Bela sa kanyang Instagram post na may larawan nila ni Norman: "The one I met in St.Gallen."
December 2020 nang maging magkasintahan sina Bela at Norman.
Read: Bela Padilla confirms relationship with foreigner boyfriend via Instagram post
Nakabase sa London si Bela at umuuwi-uwi sa Pilipinas para sa showbiz-related commitments.
Read: Bela Padilla, "back to basics" ang pamumuhay sa London; babalik sa Pinas para sa promo ng 366

Kaugnay sa planong magpakasal, ito ang sinabi ni Bela noong 2022: “My boyfriend lives in Switzerland. We meet up from time to time. But marriage is not yet on my agenda.
Read: Bela Padilla not living with BF in London: "I am navigating life alone."
"I started working when I was 16, so feeling ko, parang now lang ako nag-turn 17 because I am living it up here in London."
NADINE LUSTRE AT Christophe Bariou
Sa scenic Siargao nagkakilala ang aktres na si Nadine Lustre at ang French businessman boyfriend nito na si Christopher Bariou.

Through common friends, nag-krus ang landas ng dalawa.
"He's not into Filipino showbiz. He's so ignorant when it comes to that, so he doesn't know anything. He didn't know who I was," kuwento ni Nadine nang mag-guest sa radio show na All Out.
"Basta, my friend invited us to go to this villa... Ayun, we were just hanging [out]."
Since that meeting ay lumalim ang relasyon ng dalawa hanggang sa sila'y maging magkasintahan.
Read: Nadine Lustre dedicates MMFF Best Actress award to boyfriend Christophe Bariou

Sa kung ano ang nagustuhan ni Nadine kay Christopher, ito ang pahayag ng aktres, "We talk about a lot of stupid stuff. He loves memes; I love memes. He likes watching funny videos; I love watching funny videos."
Read: Nadine Lustre enjoys trip to France with beau Christophe Bariou
Dagdag pa nito, "I learn a lot from him and with him. He's the kind of person who loves watching documentaries. He's very intelligent, like he knows a lot of things."
Read: Is Nadine Lustre ready to settle down with boyfriend Christophe Bariou?
GLAIZA DE CASTRO AT DAVID RAINEY
Si Glaiza de Castro at ang asawa nito na si David Rainey, isang Irish businessman, ang patunay na hindi hadlang ang distansya para maging matagumpay ang isang relasyon.

Nagtagpo ang landas nina Glaiza at David sa Siargao taong 2018.
Isang araw ay narinig daw ni Glaiza ang paborito niyang awitin. Hinanap niya kung saan nanggagaling ang musika and it turned out na si David ang nagpapatugtog nito.
From there ay nagtuluy-tuloy na ang komunikasyon ng dalawa hanggang sa sila ay maging magkasintahan.
October 2021 nang magpakasal sina Glaiza at David sa United Kingdom.
Muling nagpakasal ang dalawa noong January 23, 2023, sa Zambales dito sa Pilipinas.

Read: Glaiza de Castro, a stunning bride in modern Filipiniana wedding gown
INA FELEO AT GIACOMO GERVASUTTI
Nakilala ng aktres na si Ina Feleo ang Italyano na si Giacomo Gervasutti habang nagbabakasyon sa Venice noong 2015.
Si Giacomo ang nagpapatakbo ng shop na nag-oorganisa ng tours para sa mga turista.

Dahil nakatira sa magkalayong bansa ay long-distance ang naging relasyon ng dalawa.
Read: Ina Feleo opens up about Italian boyfriend: "I'm super happy and surprised at how easy it feels."
Ilang beses na ring dumalaw si Giacomo dito sa Pilipinas at makikita na at home na at home siya sa kultura ng mga Pilipino.
Ikinasal sina Ina at Giacomo noong December 1, 2020, sa Pinto Art Museum sa Antipolo, Rizal.
Dahil kasagsagan ng pandemya ay limitado lamang ang bisita ng dalawa.

Marami sa kanilang mahal sa buhay, partikular ang pamilya at kaibigan ni Giacomo, ay nakibahagi sa selebrasyon sa pamamagitan ng video call app.
Read: Ina Feleo says Italian husband knows she prefers to work in PH
KC CONCEPCION AT MIKE WUETHRICH
Recently ay naging open ang aktres at modelo na si KC Concepcion sa kanyang buhay pag-ibig with Filipino-Swiss businessman Mike Wuethrich.

Enero pa lang ng taong ito ay may mga sightings na sa dalawa, dahilan para umugong ang haka-haka na 'in a relationship' na muli ang anak na babae ng Megastar na si Sharon Cuneta at former matinee idol Gabby Concepcion.
Nitong August lang ay shinare ni KC sa Instagram ang kanilang France getaway.
Sabi ni KC sa caption, “Bonjour, loves! Escaping back to the enchanting French countryside was a dream!
"Buttery croissants, good company, homemade French meals, basking in the sun with our Hermès summer scarves.
"Here are snippets of the ‘joie de vivre’ that only France – and spending time with people dear to you – can offer."
Pero mas nakapukaw sa atensyon ng publiko ang video na kuha recently sa birthday party ni Savannah, ang half-sister ni KC sa ama.
Read: Get to know the Concepcion sisters KC, Garie, Cloie, Sam, and Savannah
Sa video ay kapansin-pansin ang presence ni Mike sa party, na nangangahulugang na-meet na ni Gabby ang kasintahan ng anak na dalaga.
Read: Gabby Concepcion spotted with KC Concepcion, boyfriend Mike at daughter Savannah's birthday party
Marami ngayon ang nagtatanong kung kailan naman nila makikita sa iisang picture o video si Mike at ang ina ni KC na si Sharon.
READ MORE:
- KC Concepcion confirms unfollowing stepdad Kiko Pangilinan, half-sister Frankie: “I just want peace of mind, I want to be happy.”
- Sharon Cuneta all praises for daughter Frankie Pangilinan: “No headaches, no horror stories, no disrespect.”
- Talent manager close to Sharon Cuneta and family speaks up on the Megastar and KC Concepcion rift