PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Taxi driver in Tondo becomes successful businessman in Brunei

Walong taon siyang naging taxi driver sa Maynila noon.
by Bernie V. Franco
Published Jun 15, 2023
Neovadi Ariola
Neovadi Ariola, from taxi driver to businessman: “Masarap sa pakiramdam na nakita mo yung bumagsak ka, bumangon..."
PHOTO/S: GMA News

Malayo na ang narating ni Neovadi Ariola, ang overseas Filipino worker (OFW) na dating taxi driver sa Tondo at ngayon ay isang successful businessman sa Brunei.

Kung noon ay umaasa lamang siya sa boundary ng pagiging taxi driver, ngayon ay ilang negosyo na ang kanyang naipundar—tulad ng mini-grocery, CCTV installation business, mga salon, at car rental business.

Nabaon man siya sa utang na umabot ng PHP20 million noon, nagawa naman niyang mabayaran ito dahil sa mga pumatok na negosyo, ulat ni Ian Cruz ng GMA Integrated News.

Lakas ng loob ang naging baon ni Neovadi para makipagsapalaran sa ibang bansa at mabago ang kanyang buhay.

Aniya kung hindi siya naglakas-loob, "Siguro hanggang ngayon taxi driver pa rin ako. Kasi nagre-rent lang naman ako ng taxi.

“So, ang purpose ko kaya ako nagpunta ng Brunei [ay] para makabili ng taxi.”

Pero higit pa ang nangyaring pag-asenso sa buhay ni Neovadi sa pangingibang-bansa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read:

TAXI DRIVER TO BUSINESSMAN

Tubong-Tondo, si Neovadi ay walong taon muna naging taxi driver sa Maynila.

Nagpunta siya sa Brunei noong 2001 at naging driver din doon.

Kalaunan ay nalipat siya bilang merchandiser sa isang grocery at nakabisado ang pasikut-sikot sa tindahan, hanggang sa magtayo na siya ng sarili niyang mini-mart.

Taong 2011 ay nagkautang si Neovadi na umabot ng PHP20 million, sabi sa GMA News report.

Pero hindi nagpatinag si Neovadi. Pinasok niya rin ang CCTV installment business sa Brunei.

Nagkaroon siya ng maraming kliyente—government agencies, fast-food businesses, at iba pang establishments.

Sa loob lang ng tatlong taon ay nakabangon na si Neovadi at nabayaran ang malaking utang.

Sabi niya, “Masarap sa pakiramdam na nakita mo yung bumagsak ka, bumangon. Wag lang titigil…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakapagpatayo na rin siya ng mga salon at car rentals sa Brunei at nakapagbigay ng trabaho sa mga OFWs doon.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Neovadi Ariola, from taxi driver to businessman: “Masarap sa pakiramdam na nakita mo yung bumagsak ka, bumangon..."
PHOTO/S: GMA News
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results