Nagsimula sa hate comments pero ngayon ay bumubuhos ang positive comments para sa Singapore-based Filipina teenager na si Zoe Gabriel, 17.
Kung dati ay na-bash si Zoe, ngayon ay nagkakapangalan na siya dahil sa collaboration niya sa ilang kilalang brands.
Naging viral ang kuwento ni Zoe noong January 2023 dahil sa pagkutya sa kanya ng ilang bashers.
Tinawag niyang “luxury bag” ang biniling Charles & Keith tote bag na ang presyo ay 80 Singaporean dollars o US$60 o PHP3,360.
Ito ang kanyang “first luxury bag” na regalo mula sa kanyang ama na isang mechanical engineer sa Singapore.
Sinagot ni Zoe ang pangungutya sa kanya sa pamamagitan ng isang TikTok video.
Ibinahagi niyang galing siya sa hirap at para sa kanya ay malaking bagay ang higit PHP3,000.
Banat ni Zoe sa kanyang bashers: “Your comment spoke volumes on how ignorant you seem because of your wealth.”
Nag-viral ang isyu at sa isang iglap ay nagbago ang buhay ni Zoe.
Umani siya ng suporta mula sa netizens at ipinagtanggol siya mula sa mga umalipusta sa kanya.
Naimbitahan siyang mag-lunch sa headquarters ng Charles & Keith at nakadaupang palad ang isa sa founders.
Nito lamang Marso, lumabas sa social media ang glam shot ni Zoe dahil kinuha siyang brand ambassador ng naturang Singaporean fashion brand.
Fashion model ang itsura ni Zoe sa pictorial niya para sa 2023 International Women’s Day campaign ng Charles & Keith.

Read: Pinay teener na na-bash noon dahil sinabing “luxury” ang Charles & Keith, brand ambassador na
PINAY TEEN COLLABORATES WITH MALAYSIAN AIRLINE
But wait, there’s more.
Nitong mga nakaraang araw, sunud-sunod ang posts sa TikTok post low-cost airline na AirAsia kasama si Zoe.
Si Zoe, na aspiring content creator, ay kinuha ng Malaysian airline for collaboration para i-promote ang services nito.
Ang una ay 19-second dance video ni Zoe sa loob ng eroplano kasama ang cabin crew ng airline, na pino-promote ang pagbu-book with AirAsia.
Ang sumunod ay 10-second dance video ni Zoe na nakasuot ng flight attendant uniform. Meron itong 1.1 million views at this writing.
At ang panghuli ay video ni Zoe na nakasakay sa eroplano at nagbigay ng review sa instant meals na ino-offer ng airline.
Bumaba ang comments na “congratulations” at mensaheng nagsasabi na “deserve” ni Zoe ang magagandang nangyayari sa kanya.
Napansin din ng isang netizen na verified na ang TikTok account ni Zoe.
Pinatunayan ng kuwento ni Zoe ang kahalagahan ng pagiging makatao pagdating sa mundo ng social media.
Matututuan din sa istorya ni Zoe na sa kabila ng matinding bashing, marami pa rin ang alam ang importansiya ng pagiging mabuti sa kapwa.
Isa rin ito sa mga natutunan ni Zoe sa kanyang karanasan.
Ibinihagi ni Zoe ang lesson na ito nang maging guest siya sa Headstart ng ANC kasama si Karen Davila noong February 2023.
Sabi ni Zoe, “As much as possible, strive to be kind. Ultimately, you’re still gonna be talking to real people on the internet, you just can’t see them.
“But they do still have real feelings. Just be careful and be kind.”
