PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Queenay Mercado: Proud Batangueña Overcoming Laughter

Queenay Mercado: "Kumbaga, ho, ay magpakatotoo tayo kung ano at sino tayo."
by Jerry Olea
Published Mar 5, 2023
Queenay Mercado
TikToker Queenay Mercado on using her Batangas accent even in casual conversations: "Kumbaga, ho, ay magpakatotoo tayo kung ano at sino tayo. Siyempre hindi naman ho ako yung… ayun sa kamera ay Batangueñong-Batangueño, tapos biglang pag nakita nang personal ay nag-iiba."
PHOTO/S: Jerry Olea

Reyna Batangueña ng TikTokverse si Queenay Mercado.

Patok ang puntong Batangueño ng 21 anyos na dilag, na tubong-San Jose, Batangas

Ang kanyang tagasubaybay sa TikTok, 13.4M and counting. Kainaman!

READ: Queenay Mercado at Jin Macapagal, bida sa unang Pinoy TikTok series

Libu-libo ang naaaliw sa kanyang kuwelang pagsagot sa iba-ibang katanungan ng netizens gamit ang salitang Batangas.

May mga dance challenge rin si Queenay at videos kasama ang kanyang ina.

Ala, e, kapag nasa Kamaynilaan baga siya, nagbabago o naglalaho ba ang kanyang accent?

"Sa tunay ho depende po iyan sa environment na aking pinupuntahan," pagtatapat ni Queenay.

"Ayan! Siyempre, ho, dahil minsan ho, may mga kunyari nag-i-English, e, hindi ako maiintindihan. May malalalim na Batangueño na hindi kami magkakaunawaan.

"Kumbaga ho e, depende sa environment at sa kasama, sa mga tao na aking nakakasalamuha. Ayan!

"Pero kung kapwa Batangueño, at saka kung kai-kaibigan lang naman ay bakit ko, ho, babaguhin ang aking sarili?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kumbaga, ho, ay magpakatotoo tayo kung ano at sino tayo. Siyempre hindi naman ho ako yung… ayun sa kamera ay Batangueñong-Batangueño, tapos biglang pag nakita nang personal ay nag-iiba.

"Ay! Ayoko naman ho ng ganun na magiging rehistro sa ibang tao.

"Kumbaga’y panindigan kung ano at sino ka sa totoong buhay, ay ipakita mo sa maraming tao.

"Dahil yun naman talaga ang kung sino ka at yun ang gusto din talaga ng tao, ang makita kung sino si Queenay sa totoong buhay."

Queenay Mercado on TikTok

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakapanayam si Queenay sa mediacon ng Jullien Skin noong Pebrero 22, 2023, Miyerkules, sa Scout 1880 Cafe and Events Venue, Mother Ignacia Avenue cor. Sct. Reyes St., Quezon City.

Masaya si Queenay dahil marami nang nakaka-appreciate sa pagsulong niya ng salitang Batangueño.

Hindi raw gaya noon na waring nahuhusgahan siya dahil sa kanyang pananalita.

Andami nang Queenay wannabe sa TikTok, huh?! Sandamukal ang “trying hard copycat” niya!

Pagsisiwalat ni Queenay: "Siyempre nag-Batangueño ako, andami kong na-encounter na aba’y biglang nag-Batangueño.

"Actually, dati ho, maikuwento ko lang ho sa inyo. Dati ay iba talaga ang pagsasalita ko dahil nag-ano ako, e, dati’y nagti-taping-taping, nag-eekstra pa ho ako, yung passerby sa Maynila, dito sa Kamaynilaan ako ho’y nakipagsapalaran, ano ho.

"Ay ngay-on! Dati, nung nagti-taping-taping ako, pag ako’y may punto, pinagtatawanan ako. Aba’y natatawa sila.

"So parang ako, nahiya yata ako. Parang hala… pinagtatawanan ako, Inay! Hindi yata ako dapat maggay-on, dapat ibahin ko yata.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ngay-on, nung nagsimula na, nagkaroon na ng TikTok, ay iniba ko ngay-on ang pagsasalita ko.

"Kumbaga ay mas parang medyo sosyal, ‘Mommy!!!’ As in medyo English-English. Na-English ako nang konti, ganyan.

"Pero hindi ganyang Batangueño. Kumbaga, ah, natural po na Tagalog, yung ganito po na pagsasalita, yan na mahinhin, hindi nanlalaki ang mata."

Hindi na raw siya basta nagpapaapekto sa iba na hindi gusto ang Batangas accent niya.

"Tapos yun po, ayun nga, masasabi ko po… naha-handle ko siya siguro dahil hindi ko na lang din siguro pinapansin yung mga ganun.

"Kumbaga, ayoko naman pong makiusyoso na sabihin na, ‘Aba’y bakit mo kami pinagtatawanan?’

"Ayaw ko naman din pong sabihing mag-confront na parang, ‘Huy! Bakit mo kami pinagtatawanan?!’

"Kumbaga, sarili nila yun. Ang akin na lang, hayaan natin. Kasi minsan, yung kakatawanan naman, nawawala na din naman yan.

"Kumbaga, nasa sa atin na lang, sarili natin, kung paano iha-handle yung mga ganung sitwasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero much better na hayaan na lang.”

ON PRESSURE TO PRODUCE TIKTOK CONTENT

Nagkakaproblema sa mental health ang ibang content creators, lalo na kung naba-bash. Nape-pressure sa gagawing content.

Paano niya hina-handle ang ganoong isyu?

Napatango si Queenay, "Ako din, naano din ako minsan sa sarili ko, parang sabi ko…

"Actually, ang aking inay din talaga. Yan talaga yung maano sa social media. Kumbaga, mas mahilig ho ang aking Inay sa TikTok.

"Siya ho talaga minsan, sasabihin ko, 'Inay, kayo ho muna ang mag-upload at hindi ako makakapag-upload.' Talagang maraming ano!

"Ay ngayon, pag ganyang marami talagang mga bashing, ganyan, so parang sabi ko… minsan, ang ginagawa ko ho talaga, hindi ho ako nagso-social media for a while.

"Parang, kumbaga, hinahayaan ko muna ang sarili ko na maging banayad for a while. Kasi bakit naman ang hindi?

"Kumbaga, sarili ko naman ito. Kumbaga bakit i-stress-in ko ang sarili ko sa isang bagay na alam mo yun, kumbaga hayaan mo muna ang social media."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami raw paraan si Queenay para aliwin ang sarili.

"Kumbaga mag-relax ka muna for a while. As in hinahayaan ko. Kunwari pumunta ka muna sa isang lugar na magiging pakiramdam mo ay presko ka.

"Punta ka ng beach! Magkape ka! O kung saanman feeling mo, maluwag ang pakiramdam mo.

"Na dun magiging payapa ang iyong kaluluwa, ang iyong isip, ang iyong sarili. Dahil ngayon talagang ang mental health is very important."

Aminado si Queenay na may pagkakataong mahirap hindi indahin ang bashers.

Sabi pa niya: "Talagang sobra-sobra, lalo na sa ating mga social media influencers. Kasi alam ko ang dami nating nae-experience na bashing at I know, talagang medyo toxic na rin talaga ang social media.

"But then, alam niyo, parang… para sa akin ho, talagang importante na minsan, magpahinga ka rin.

"Kumbaga, hayaan mo muna minsan ang sarili mo na alam mo yun, wala ka munang content.

"Di ba, hayaan mo muna ang sarili mo na hindi muna mag-content for a while pero babalik ka rin naman, e! Kumbaga babalik ka rin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Diin pa ni Queenay: "Pero hayaan mo muna ang sarili mo. Magpahinga ka rin. Dapat talaga may beauty rest at mag-i-skin care tayo diyan, at habang nagpapahinga, dapat dala mo ang iyong pang-skin care.

"Kaya mag-Jullien, bumili ka na! Ha! Ha! Ha! Nai-promote!"

ON JOINING SHOWBIZ

Nagbida si Queenay katambal ang "BidaMan" winner na si Jin Macapagal sa TikTok series na 52 Weeks.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Anu-ano ang pangarap niyang ma-achieve sa entertainment industry?

"Siyempre marami ho! Naku, Diyos ko! Siyempre, gusto ko rin ho sana, e, singing,” sambit ni Queenay.

"Pero ayan, sana balang araw ay iyong aking pagkanta-kanta. Kasi ayaw makisama ng boses ko, e! Hindi ko alam kung bakit baga.

"Pero siyempre bukod sa pag-akting-akting, ano, gusto ko rin sana, yung singing, yung dancing na talagang malupitang dancing, yung talagang malala na galawan ang matutunan.

"At saka, siyempre, ahhmm, gusto ko din, ahhhmmm… balang araw, makita din sa big screen talaga as in pangarap ko talagang makita ako sa sinehan.

"Sabi ko talaga kay Inay, 'Talagang Inay, ay gagawin ko ang lahat makita lang ako sa malaking screen sa sinehan!'

"Pangarap ho talaga namin iyon ng Inay ii magmula nang ako ay bata pa."

Related stories:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TikToker Queenay Mercado on using her Batangas accent even in casual conversations: "Kumbaga, ho, ay magpakatotoo tayo kung ano at sino tayo. Siyempre hindi naman ho ako yung… ayun sa kamera ay Batangueñong-Batangueño, tapos biglang pag nakita nang personal ay nag-iiba."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results