PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Elle Villanueva proves her acting mettle in Return to Paradise

Elle downplays romantic relationship with leading man Derrick Monasterio
by Rose Garcia
Published Aug 7, 2022
Elle Villanueva
Newbie Kapuso actress Elle Villanueva may not yet be a familiar face to televiewers, but she's hellbent on proving that her acting mettle and work ethic in her current GMA-7 teleserye, Return to Paradise, is at par with her more experienced co-actors.
PHOTO/S: @_ellevillanueva on Isntagram

Aminado si Elle Villanueva na nahirapan siya sa mga intimate scenes sa Return to Paradise.

May tema ng pagiging hot and passionate ang bagong teleserye ng GMA Afternoon Prime na nag-pilot noong nakaraang Lunes, August 1, 2022.

Pero ang baguhang aktres ay handpicked para sa role na si Eden. Mukhang nakita ng Kapuso network ang kanyang potensiyal at pagiging palaban sa pagpapaka-daring kaya bida siya agad sa kanyang unang teleserye.

Inamin naman ni Elle sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na talagang palaban siya bilang aktres.

Paninigurado niya, “Lalo na ngayon, kahit anong project na ibinibigay sa akin, talagang tinututukan ko. Takot akong pumunta sa set nang hindi prepared o hindi binabasa ang script at hindi kinikilala ang mga makaka-trabaho ko.

“It’s just my anxiety, hindi ko kayang pumunta talaga na hindi prepared o hindi immersed sa character ko.

"Kasi I always want to give my best kasi, yun din ang ginagawa nila. Nagtiwala sila sa akin, so I need to prove to them na kaya ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang ilabas ang teaser at trailer ng Return to Paradise, ano ang naging reaksiyon ng mga tao kay Elle?

“Marami po ang nagsasabi, ‘Sino iyan?'” natawang sabi niya.

“Nagtataka sila sino at saka, sino lang ba naman ako? I’m a newbie. Ayan, nagpapakilala pa lang ako.

"Sana talaga magustuhan ng mga tao and me as Eden, magustuhan nila ang pagganap ko sa role na ito.”

WORKING WITH LEADING MAN DERRICK MONASTERIO

Samantala, malaking bagay daw kay Elle na ang kanyang leading man sa Return to Paradise ay ang Kapuso Hunk actor na si Derrick Monasterio.

Ayon kay Elle, “Honestly, nasabi ko na po ito sa kanila, parang hirap na hirap po ako sa mga touch, kiss, yung mga love scenes, doon po hirap na hirap.

"Kaya yung sa workshop po, nakatulong po talaga siya sa akin, especially. Grateful po ako na si Derrick po ang leading man ko sa unang teleserye ko po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dahil sa kanya, mas napadali rin po ang trabaho dahil comfortable po kami sa isa’t isa. So, pagdating po sa eksena, akala ko mahihirapan ako. Pero dahil sa kanya, mas napadali and especially kina Direk po at sa mga crew.”

Nagkakilala sila ni Derrick sa storycon, at lumalim ang kanilang samahan nang magkasama na sila sa mga workshop at sa mismong taping ng teleserye.

Ano ang naging first impression niya kay Derrick?

“Actually, ang impression ko po sa kanya, parang nakukuha po niya ang lahat ng gusto niya sa babae at sa lahat ng bagay,” natawang sabi ni Elle.

“Ang tawag po doon, mahilig sa bar, mahilig pumarty."

Kahit na "playboy" ang first impression niya sa kanyang leading man, nilinaw ni Elle na nabago naman ang pagtingin niya kay Derrick kalaunan.

Aniya, “Hindi ko ine-expect na may mga personality siya na inilabas sa isla na mali ako, mali pala ang mga iniisip ko sa kanya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kasi, sobrang bait pala niya, sobrang genuine niya na tao. 'Tapos, maalaga siya, as in, before kami mag-shoot—noong nagkasakit ako, kahit outside work na, inaalagaan pa rin niya ako. Tsine-check niya kung okay lang ba ako.

"'Tapos, genuine lang din talaga. Open din siya sa akin. Open siya sa secrets niya, sa napi-feel niya. Kaya nagustuhan ko rin talaga siya as a person.”

Dugtong pa niya, “Mas naipapakita na namin ang mga different sides of us na hindi namin naipapakita sa ibang tao.”

Sa diretsahang tanong, hindi pa ba nagpapalipad-hangin o nanliligaw sa kanya si Derrick?

“Wala pa namang ligaw,” sabi niya.

“Pero palagi po kaming magka-usap, kasi ganoon na nga po kami ka-close. Pero wala pa pong anything romantic.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Newbie Kapuso actress Elle Villanueva may not yet be a familiar face to televiewers, but she's hellbent on proving that her acting mettle and work ethic in her current GMA-7 teleserye, Return to Paradise, is at par with her more experienced co-actors.
PHOTO/S: @_ellevillanueva on Isntagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results