PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cassandra Ponti sets aside lovelife for career

Former Pinoy Big Brother housemate Cass Ponti says that her career and family remain as her top priority
by Wells Avante
Published Jan 20, 2007
Cassandra Ponti (pictured) disagrees with DJ Mo Twister, who says she was the worst guest on his radio show Good Times

Bagamat ilang linggo na lang at buwan na ng mga puso, sinabi ni Cassandra Ponti na ang pagkakaroon ng lovelife ay hindi niya priority sa ngayon.

Sa isang interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Cass noong January 16 sa Italianni's Restaurant, isinaad ng former Pinoy Big Brother housemate ang status ng kanyang lovelife.

"Wala talaga. No, no, no. So far, busy sa trabaho. Priority ko ngayon family ko, trabaho ko. Lovelife, set aside muna kasi nandito na 'to. Binigay na yung chance na 'to na makapagtrabaho sa showbiz. Sana dire-diretso na," pag-asam pa ni Cass.

Ibinahagi rin niya sa PEP kung ano ang hinahanap niya sa isang lalaki.

"Lahat naman ng girls ang ideal man nila yung responsible, kahit na hindi guwapo basta mabait lang," sabi niya.

Sa Agent X44 ay ginampanan ni Cass ang papel ni Minerva, isa sa leading ladies ni Vhong Navarro. Aminado si Cass na matagal na niyang gustong maging leading man si Vhong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Isa sa mga wish ko maging leading man Si Vhong Navarro. Nangyari talaga so masaya ako," ani Cass.

Tinanong namin siya kung hindi ba nahulog ang loob niya kay Vhong habang magkatrabaho sila.

Aniya, "Kung magpu-fall ka sa kanya—yung mapi-feel mo as love—not yung love na intimate na parang boyfriend-girlfriend. But as a friend na maa-appreciate mo lalo yung Vhong Navarro kung sino siya. So yun, habang tumatagal kayong magkasama, nakikilala mo pa kung sino siya."

TREADING CAREFULLY ON THE AIR. Kinunan na rin ng komento si Cass patungkol sa sinabi ni DJ Mo Twister na worst guest daw ito sa radio show na Good Times.

Ani Cass, "Basta sa akin, at least nag-guest ako sa show niya. At least, wala akong nasaktang tao. Sabihin man niyang worst guest ako, it's okay. Para sa akin at sa maraming tao, siguro ako yung pinaka-the best na guest kasi hindi ako nakasakit ng feelings. Pinakabamabait for sure !"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kabila nito, okay lang naman daw kay Cass na muling mag-guest sa naturang radio program.

"Siguro, yes. Open pa rin naman ako with anyone. Siguro sa akin ngayon dahil busy ako, wala akong time na makipag-usap sa mga taong makikitid yung pag-iisip so I'd rather spend my time sa mga taong malalawak ang pag-uunawa," paliwanag niya.

PINOY BIG BROTHER. Matatandaang pumangatlo noon si Cass sa unang season ng Pinoy Big Brother (PBB) . Itinuturing ito ni Cass na malaking break para sa kanya.

Ayon kay Cass, "Sobrang thankful ako sa mga taong sumusuporta sa akin. One year na yung PBB, lalabas na yung [next] edition ng PBB, pero I'm still here. Ang totoong kumpetisyon ng Pinoy Big Brother [ay nasa] paglabas ng bahay.

Dagdag pa niya, "Paglabas ng bahay, matira ang matibay sa inyo. Hindi man ako yung nakakuha nung titulo na Big Winner, pero eto yung gift ni Big Brother sa akin—yung break na ibinigay ng Star Cinema."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nitong nagdaang Metro Manila Film Festival, nakasama si Cass sa Shake, Rattle and Roll 8. Naging cover girl din siya ng isang men's magazine noong nakaraang taon. May gusto pa bang gawin si Cass?

"After nito [Agent X44], pinaka-dream role ko talaga, sobrang gusto ko talaga yung parang Angelina Jolie yung dating, parang Tomb Raider. Yun yung pinaka-dream role ko talaga," sabi niya.

"Kasi gusto kong ipakita sa kanila na hindi lang yung parang pa-sexy yung kaya kong gawin. Gusto kong ipakita yung other side na pagiging Cassandra Ponti. Kung mabigyan ng chance, gusto kong mag-concentrate sa action," pagtatapos niya.

Read Next
Read More Stories About
Cassandra Ponti
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cassandra Ponti (pictured) disagrees with DJ Mo Twister, who says she was the worst guest on his radio show Good Times
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results